04/08/2025
PAGDIRIWANG NG KASAYSAYAN, KABABAIHAN, AT KULTURA SA NOVALICHES! 🇵🇭✨
Ang Museo de Nuestra Señora de la Merced de Novaliches ng National Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa ilalim ng Diocese of Novaliches ay taos-pusong nag-aanyaya sa inyong lahat sa gaganaping Komperensiya ng Novaleño sa Kasaysayan, Kababaihan at Kultura na may temang:
“Mga Novaleño ay Tala ng mga Manlalakbay ng Pag-asa”
Buwan ng Agosto 2025
🕊️ Bilang bahagi ng paggunita sa Buwan ng Kasaysayan at Buwan ng Wikang Pambansa
Layunin ng makasaysayang pagtitipong ito na:
📌 Ipakilala at palalimin ang kamalayan sa makulay na kasaysayan ng Novaliches at ng Pambansang Dambana at Parokya ng Ina ng Awa
📌 Magtaguyod ng pamayanan ng mga historyador at mga tagapagtangkilik ng kasaysayan na nakatuon sa Novaliches
📌 Gunitain ang mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng ating bayan ngayong Agosto 2025
Sa gitna ng mabilis na pagdaloy ng panahon, nananatiling tanglaw ang mga kwento ng ating mga kababayan—mga tala sa kalangitan ng kasaysayan na patuloy na nagbibigay-liwanag sa paglalakbay ng sambayanan tungo sa pag-asa.
Tara na’t makiisa, matuto, at muling pahalagahan ang ating nakaraan upang higit na maunawaan ang ating pagkakakilanlan bilang mga Novaleño.