12/08/2026
Isang makabuluhang araw para sa TAYO! โจ
Noong August 11, 2026, ginanap sa Talisay-Acacia Covered Court ang Oath Taking Ceremony ng ating mga Committee Heads at Members, bilang pormal na pagtanggap at pagkilala sa kanila bilang mga opisyal na bahagi ng ating organisasyon.
Ang panunumpang ito ay simbolo ng ating responsibilidad, pagkakaisa, at paglilingkod para sa kabataan at sa ating komunidad. Sama-sama nating isulong ang isang organisasyong puno ng malasakit, pagkakaisa, at aktibong pakikilahok. ๐ค
Matapos ang oath taking, isinagawa rin ang pamamahagi ng mga gulay para sa mga miyembro ng TAYO. Tunay na mas masaya ang paglilingkod kapag may kasamang malasakit at pagbabahagi sa bawat isa.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Payatas, sa pangunguna ni SK Chairman Vienmar Magdaraog, sa patuloy na suporta at pakikiisa sa mga programa at gawain para sa kabataan.
Muli, congratulations sa lahat ng bagong nanumpang Committee Heads at Members! Nawa'y maging simula ito ng mas maraming makabuluhang proyekto at serbisyo para sa ating kabataan.
๐๐ผ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ. ๐๐ผ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐จ๐. ๐๐ผ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐๐๐๐๐๐ค.