Kabataan ni San Pedro Calungsod - Payatas

Directions Contact the organization

Kabataan ni San Pedro Calungsod - Payatas Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kabataan ni San Pedro Calungsod - Payatas, Youth Organization, Yakal Street, Quezon City.

𝑷𝒂𝒃𝒂𝒕𝒊𝒅 | 𝒀𝒐𝒖𝒕𝒉 𝑴𝒂𝒔𝒔“For where two or three gather in my name, there am I with them". - Matthew 18:20Malugod po naming i...
29/08/2026

𝑷𝒂𝒃𝒂𝒕𝒊𝒅 | 𝒀𝒐𝒖𝒕𝒉 𝑴𝒂𝒔𝒔

“For where two or three gather in my name, there am I with them". - Matthew 18:20

Malugod po naming inaanyayahan ang lahat ng Kabataan ni San Pedro Calungsod na dumalo sa aming Youth Mass na susundan ng iba pang gawain para sa ating mga kabataan.

Kaya ano pang hinihintay niyo? Kita-kits bukas!

𝑹𝒆𝒂𝒅𝒚 𝒏𝒂 𝒃𝒂 𝒌𝒂𝒚𝒐?Isang makabuluhan at kauna-unahang pagkakataon para sa Kabataan ni San Pedro Calungsod! Kaya ipagdasal ...
18/08/2026

𝑹𝒆𝒂𝒅𝒚 𝒏𝒂 𝒃𝒂 𝒌𝒂𝒚𝒐?

Isang makabuluhan at kauna-unahang pagkakataon para sa Kabataan ni San Pedro Calungsod! Kaya ipagdasal ninyo kami sa aming Jesus and Me (JAM) Retreat Formation.

Natatanging panahon upang makilala natin nang higit si Hesus, mapalalim ang ating pananampalataya, at maranasan ang Kanyang pagmamahal at presensya sa ating buhay.

🗓️ August 21-23, 2026
📍Our Lady of Banneux, San Mateo Rizal

Ito’y retreat na hindi lamang tungkol sa paglayo sandali sa ating nakasanayan, kundi tungkol sa paglapit kay Kristo, pagkilala sa ating sarili, at pagkakaroon ng mas malalim na relasyon sa Diyos.

Kabataan ng San Pedro Calungsod, ready na ba kayo?

Jesus is waiting for you!

See you at JAM!

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | 𝐊𝐚-𝐓𝐚𝐥𝐤: 𝐒𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐝𝐚𝐲𝐨𝐧Sa isinagawang Ka-Talk sa Distrito, dumalo ang mga kinatawan mula sa Kabataan ni San Pe...
01/08/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | 𝐊𝐚-𝐓𝐚𝐥𝐤: 𝐒𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐝𝐚𝐲𝐨𝐧

Sa isinagawang Ka-Talk sa Distrito, dumalo ang mga kinatawan mula sa Kabataan ni San Pedro Calungsod.

Patuloy lang tayong maging Liwanag, Ilaw at Biyaya sa lahat ng mga kabataan!

20/07/2026
Malugod naming binabati ang aming PYM Coordinator, Ate Ammi, sa kanyang matagumpay na pagtatapos ng Master of Arts in Te...
01/07/2026

Malugod naming binabati ang aming PYM Coordinator, Ate Ammi, sa kanyang matagumpay na pagtatapos ng Master of Arts in Teaching Filipino!

Ang iyong sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-aaral at paglilingkod ay tunay na nagbibigay-inspirasyon sa aming kabataan at buong komunidad.

Nawa'y maging daan ang tagumpay na ito sa mas marami pang pagkakataong makapagbahagi ng kaalaman, pagmamahal sa wikang Filipino, at tapat na paglilingkod.

Binabati ka namin, Ate Ammi!
Patuloy kang pagpalain ng Diyos sa iyong bokasyon at mga susunod pang tagumpay.

PABATID |Magkakaroon ng YOUTH MASS, o misa para sa mga kabataan ngayong Linggo, June 7, 2026 sa ganap na 5:30PM sa ating...
06/06/2026

PABATID |

Magkakaroon ng YOUTH MASS, o misa para sa mga kabataan ngayong Linggo, June 7, 2026 sa ganap na 5:30PM sa ating Mission Area - San Pedro Calungsod.

Inaanyayahan ang lahat ng kabataan na makiisa, ikaw man ay active servant o hindi. Halina’t sama sama nating pagnilayan ang misang ito kasama si Kristo.

BALIKAN | 𝐂𝐀𝐌𝐈𝐍𝐎 𝐀𝐋 𝐒𝐀𝐂𝐑𝐈𝐅𝐈𝐂𝐈𝐎Sa sagradong paggunita ng Semana Santa, muli nating nasaksihan ang dakilang sakripisyo ng ...
04/05/2026

BALIKAN | 𝐂𝐀𝐌𝐈𝐍𝐎 𝐀𝐋 𝐒𝐀𝐂𝐑𝐈𝐅𝐈𝐂𝐈𝐎

Sa sagradong paggunita ng Semana Santa, muli nating nasaksihan ang dakilang sakripisyo ng ating Panginoong Hesukristo sa pamamagitan ng Senakulo na itinanghal ng Teatro Pedro noong Abril 3, 2026.

Sa bawat tagpo ng Kanyang paghihirap at pag-aalay ng buhay, nawa’y mas mapalalim ang ating pananampalataya at pag-ibig sa Diyos.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa ating mga kabataan na mula pa sa iba't ibang kapilya, na buong pusong naglaan ng oras, lakas, at talento upang maisakatuparan ang banal na pagtatanghal na ito. Ang inyong paglilingkod ay patunay na ang kabataan ay malaking bahagi ng simbahan. Nawa’y patuloy kayong maging ilaw at inspirasyon ng Diyos at sa marami pang kabataan.

"𝑨𝒎𝒂, 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒌𝒂𝒎𝒂𝒚 𝒎𝒐 𝒂𝒚 𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒕𝒊𝒘𝒂𝒍𝒂 𝒌𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒆𝒔𝒑𝒊𝒓𝒊𝒕𝒖".Ngayong Semana Santa, sama-sama nating sariwain ang kwe...
01/04/2026

"𝑨𝒎𝒂, 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒌𝒂𝒎𝒂𝒚 𝒎𝒐 𝒂𝒚 𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒕𝒊𝒘𝒂𝒍𝒂 𝒌𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒆𝒔𝒑𝒊𝒓𝒊𝒕𝒖".

Ngayong Semana Santa, sama-sama nating sariwain ang kwento na humubog sa ating pananampalataya.

Inihahandog ng Teatro Pedro
𝐂𝐚𝐦𝐢𝐧𝐨 𝐀𝐥 𝐒𝐚𝐜𝐫𝐢𝐟𝐢𝐜𝐢𝐨

Isang kwentong makapagmumulat sa atin ng katotohanan, pagpapakasakit at pag-ibig kaya samahan niyo kami ngayong Biyernes Santo.

April 3, 2026
First Show : 6:00 - 7:30 PM
Second Show: 8:00 - 9:30 PM
📍San Pedro Calungsod Mission Area - Diocese of Novaliches

Ticket Prices:
₱ 50 pesos - Regular Ticket

Halina't ating tunghayan ang pagsasadulang itong tungkol sa pagsasakripisyo dahil sa bawat eksena, hinuhubog ang pananampalataya.

💜💜💜
15/12/2025

💜💜💜

PAALALA | Tamang Kasuotan sa Simbahan

Bilang paggalang sa banal na pagdiriwang ng Simbang Gabi at Misa De Gallo, inaanyayahan po ang lahat na magsuot ng maayos at disenteng kasuotan sa pagpasok ng simbahan.

Iwasan po ang pagsusuot ng:
❌ Sleeveless, spaghetti strap, at backless
❌ Maikling shorts, mini skirt, at punit-punit na pantalon
❌ Sando, muscle shirt, at sobrang ikling damit
❌ Tsinelas (kung maaari)

Inirerekomenda po ang:
✔️ Damit na may manggas
✔️ Mahabang pantalon o lampas tuhod na palda
✔️ Maayos at simpleng kasuotan na angkop sa banal na lugar

Sama-sama po nating igalang ang Bahay ng Diyos sa pamamagitan ng ating pananalita, kilos, at kasuotan.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pag-unawa.

💜💜💜
15/12/2025

💜💜💜

PAANYAYA | SIMBANG GABI at MISA DE GALLO

Inaanyayahan po ang lahat ng mga parokyano at deboto na makiisa sa pagdiriwang ng Simbang Gabi at Misa De Gallo bilang paghahanda sa pagsilang ng ating Panginoong Hesukristo.

Simbang Gabi
Disyembre 15–23
Alas-6:00 ng gabi

Misa De Gallo
Disyembre 16–24
Madaling-araw

Misa sa Araw ng Kapaskuhan
Disyembre 25
Alas-8:00 ng umaga

Misa sa Bagong Taon
Enero 1
Alas- 9:00 ng umaga

Paalala:

Walang Misa sa Christmas Eve (Disyembre 24 ng gabi)
Walang Misa sa New Year’s Eve (Disyembre 31)

Sama-sama po nating salubungin ang Pasko na may pusong handang tumanggap ng pag-asa, liwanag, at pagmamahal ni Kristo.
Maligayang Pasko sa ating lahat!

Address

Yakal Street
Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabataan ni San Pedro Calungsod - Payatas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kabataan ni San Pedro Calungsod - Payatas:

Shortcuts

Share