10/06/2026
๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐๐๐งโ๐ฃ
๐ข๐ด๐จ๐ฏ๐จ๐ณ๐จ๐ฎ๐จ๐ต๐ฎ ๐จ๐ต๐ผ๐ต๐บ๐๐ถ
Ipinababatid po sa lahat ng residente na ang Barangay Hall Main sa Teresa ay pansamantalang SARADO hanggang sa matapos ang kasalukuyang konstruksyon ng NDC o Mini City Hall Project. Bilang bahagi ng proyektong ito, ang kasalukuyang gusali ng Barangay Hall Main ay gigibain upang bigyang-daan ang pagtatayo ng BAGO at mas maayos na pasilidad na magbibigay ng mas mahusay at mas episyenteng serbisyo sa ating komunidad.
Habang isinasagawa ang konstruksyon, ang lahat ng serbisyo at transaksyon ng barangay ay pansamantalang ililipat at mag-ooperate sa mga sumusunod na lokasyon:
๐ BARANGAY SATELLITE OFFICE
Location: Along Sampaguita Street
Landmark: Tapat ng Station 16, likod ng Fairview Terraces
Mga Tanggapan:
โข Treasury Office
โข Secretary Office
โข IT Office
โข VAWC Office
โข BCPC Office
โข Information Desk
โข eGov Services at Online Booking
๐ PECHAYAN MULTIPURPOSE BUILDING
Location: Ilang Ilang St., Before Maligaya Elementary School
Mga Tanggapan:
โข SK Office
โข Kagawad Office(s)
โข Lupon Office
โข BADAC Office
โข CCTV Office
โข QC Library
โข BDRRM Office
Pinapayuhan po ang lahat ng residente na sa mga nabanggit na tanggapan magtungo para sa kanilang mga pangangailangan at transaksyon sa barangay habang pansamantalang sarado ang Barangay Hall Main.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikiisa.
Patuloy na serbisyo ng ating Kap Cordapio Mike Jamin and Council and employees๐ฉต SK - Barangay Pasong Putik Proper