06/04/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Mula sa ๐ฟ๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐๐๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐พ๐๐ฃ๐ฉ๐ง๐๐ก ๐๐๐ช๐ฎ๐ค (๐ฟ๐๐พ๐) ๐๐ฉ ๐๐ผ๐๐ผ๐ฝ๐ผ๐๐ผ ๐พ๐๐ฃ๐ฉ๐ง๐๐ก ๐๐๐ช๐ฎ๐ค ๐พ๐ก๐ช๐จ๐ฉ๐๐ง ๐๐๐๐๐๐๐ง๐จ.
Kami, ang Damayan ng Magkakapitbahay ng Central Sauyo (DMCS) at NAMABASA Central Sauyo Cluster Officers, ay mariing nagbibigay-linaw at paninindigan laban sa mga kumakalat na maling at malisyosong impormasyon hinggil sa usapin ng pagbabayad ng kuryenteng ginamit sa isinagawang paliga sa aming nasasakupan.
Nililinaw namin na ang anumang napagkasunduan sa pagitan ng SK Chairman at ng aming samahan ay isang pormal, maayos, at internal na kasunduan na isinagawa nang may buong paggalang at alinsunod sa wastong proseso. Ang usaping ito ay hindi dapat binibigyang maling kahulugan o ginagamit upang maghasik ng paninira.
Mahigpit naming pinabubulaanan ang paratang na mayroong โpaldoโ o hindi makatarungang pakinabang na natanggap ang aming samahan. Ang lahat ng pondo ay malinaw na naiuukol sa mga proyekto at pangangailangan ng komunidad, kabilang na ang mga gastusin sa kuryente na sa ilang pagkakataon ay aming inaabono para lamang masigurong maayos ang takbo ng mga gawain sa lugar.
Dagdag pa rito, ang kuryenteng ginagamit sa liga ay may sariling kuntador at hiwalay na bill, na naaayon sa umiiral na patakaran sa pagpaparehistro ng liga at sa mga alituntunin ng lokal na pamahalaan ng Quezon City. Ang sistemang ito ay may sapat na batayan at kinikilala sa aming nasasakupan.
Kaugnay nito, nais naming paalalahanan ang lahat na ang pagpapakalat ng maling impormasyon, paninirang-puri, at malisyosong pahayag ay may kaakibat na pananagutang legal. Alinsunod sa ๐๐ซ๐ญ๐ข๐๐ฅ๐ 353 ๐ง๐ ๐๐๐ฏ๐ข๐ฌ๐๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ ๐๐จ๐๐ ๐จ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ, ang libel o paninirang-puri sa pamamagitan ng sulat, print, o online na pamamaraan ay isang krimen na maaaring magdulot ng parusang pagkakakulong o multa. Gayundin, sa ilalim ng ๐๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง 4(๐)(4) ๐ง๐ ๐๐ฒ๐๐๐ซ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ ๐๐ซ๐๐ฏ๐๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ญ ๐จ๐ 2012, ang online libel ay pinaparusahan kapag ang maling pahayag ay ipinakalat sa social media o iba pang digital platforms.
Hinihikayat namin ang sinumang may katanungan o alinlangan na dumulog nang direkta sa aming samahan upang malinawan, sa halip na magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon.
Kami ay nananawagan sa lahatโmiyembro man o hindi ng samahanโna pairalin ang paggalang, katotohanan, at responsableng pananalita. Ang aming samahan ay mananatiling matatag sa pagtatanggol sa aming integridad at sa kapakanan ng komunidad laban sa anumang uri ng paninira.
Maraming salamat.