Samahang Buklod Maralita Youth Organization-Barangay Sauyo

Samahang Buklod Maralita Youth Organization-Barangay Sauyo Community Organization

Isang makabuluhang talakayan ang naganap hinggil sa multipurpose o Outpost, dinaluhan ng lahat ng lider mula sa Area 5B—...
24/04/2026

Isang makabuluhang talakayan ang naganap hinggil sa multipurpose o Outpost, dinaluhan ng lahat ng lider mula sa Area 5B—SBM Neighborhood Association, Pres. Ruby Seraño, Shatai Pres. Kim Tumampoc, Almanova Pres. Amparo Fajardo, Senior Citizen Pres. Rosita Valdez, BU’KAS Kababaihan Pres. Lornie Catulmo, Sauyo Ladies Amy Azores, Swaf Pres. Belen Roma at SBM Youth Organization Pres. Jhuval Dalma, CVO Lando Vergarda, sa tanggapan ng ating Punong Barangay, Kap. Noel F. Vitug, Kasama ang Hepe ng ating Peace and order Jun Nicasio, na buong puso at galing ang ipinamalas bilang tagapamagitan.

Ang maayos na daloy at positibong resulta ng usapin ay patunay na sa pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng komunidad, tunay na may pag-angat na nagaganap. Sa bawat hakbang ng pagtutulungan, mas nagiging matibay ang pundasyon ng ating barangay.

Lubos ang pasasalamat sa Barangay Sauyo Council, sa pangunguna ng ating Kapitan Noel F. Vitug, na walang sawang naglalaan ng oras, lakas, at malasakit upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang nasasakupan. Ang kanyang pamumuno ay hindi lamang nakatuon sa pagsasaayos ng mga pasilidad, kundi sa pagbibigay ng inspirasyon at direksyon tungo sa mas maunlad at mas nagkakaisang komunidad.

Sa pamumuno ni Kapitan Noel F. Vitug, higit na nagiging malinaw na ang barangay ay umaangat hindi lamang sa imprastruktura, kundi sa diwa ng pagkakaisa, malasakit, at tunay na paglilingkod. ✌️✌️✌️

Mula sa Samahang Buklod Maralita Youth Organization, taos-puso ang aming pasasalamat saiyo Kgd. Bigs Bigs pagtugon sa ka...
26/01/2026

Mula sa Samahang Buklod Maralita Youth Organization, taos-puso ang aming pasasalamat saiyo Kgd. Bigs Bigs pagtugon sa kahilingan ng mga kabataan.

Bagama’t simple, malaki ang maitutulong nito—mula sa pagpapatibay ng kanilang pisikal na pangangatawan, pagpapatuloy ng kanilang kasiglahan sa pagkatuto sa pamamagitan ng pagsasanay, hanggang sa tunay na dahilan kung bakit patuloy natin itong isinusulong: ang mailayo sila sa masasamang impluwensya ng lipunan.

Muli, Maraming salamat sa walang sawang supporta!

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nagbigay ng tulong at suporta upang maisakatuparan ang selebrasyon na ito. QC Ma...
20/12/2025

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nagbigay ng tulong at suporta upang maisakatuparan ang selebrasyon na ito.
QC Mayor Joy Belmonte
Mayor Gian Sotto
Councilor Doc ELLIE JUAN
Councilor Kristine Matias
Councilor Vic Bernardo
Councilor Banjo Pilar page
Councilor Cocoy Medina
Councilor Vito Sotto Generoso
Kagawad Luz Palomer Savilla
Kagawad Dindo Montano Alvarez
Kgawad Bigs
Ang bawat tulong—malaki man o maliit—ay naging mahalagang bahagi ng ating tagumpay. Salamat sa isang taong puno ng pagkakaisa at pagtitiwala. Nawa’y patuloy itong dumaloy sa bawat isa, at magsilbing paalala na ang ating lakas ay nagmumula sa sama-samang pagkilos. ✨🙌🫶

Nagpulong ang Samahang Buklod Maralita Youth Organization upang talakayin at ayusin ang mahahalagang agenda para sa mga ...
13/12/2025

Nagpulong ang Samahang Buklod Maralita Youth Organization upang talakayin at ayusin ang mahahalagang agenda para sa mga susunod na gawain ng samahan. Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang Youth Data Gathering, ang paghahanda para sa Christmas Party, at ang Paksa Federation Mass Oath Taking kasabay ng ika‑17 Founding Anniversary.

Sa pagpupulong na ito, pinagtibay ang malinaw na direksyon at koordinasyon ng bawat opisyal at miyembro upang matiyak ang maayos, organisado, at epektibong pagpapatupad ng mga nakahanay na aktibidad. Ang bawat deliberasyon ay isinagawa nang may seryosong pagtalima sa tungkulin at responsibilidad ng samahan sa kabataan at komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng mga dumalo. Mapalad tayo dahil binigyan tayo ng pagkakataong magkausap-usap at makapag kamustahan muli.

Patuloy lang sa ating pangarap!


Address

Area 5b
Quezon City
11116

Telephone

+639385880875

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahang Buklod Maralita Youth Organization-Barangay Sauyo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share