31/05/2025
PAANYAYA PARA SA GENERAL ASSEMBLY 2025
Inaanyayahan ang lahat ng residente ng San Antonio na dumalo sa General Assembly 2025 na gaganapin ngayong gabi, Mayo 31, 2025, sa Multi-Purpose Hall.
Tatalakayin sa pagpupulong ang mga sumusunod:
• Kalagayan ng ating komunidad
• Mga natapos na proyekto ng mga kasalukuyang opisyal
• Mga naka-ambang proyekto at plano para sa hinaharap
• Mga aktibidad at kaganapan sa ating lugar
Iba pang mahahalagang updates para sa ating komunidad
• Mga hinaing ng bawat mamamayan
Ang inyong presensya, mga suhestiyon, opinyon, at rekomendasyon ay labis na mahalaga upang mas mapabuti pa ang mga programa at proyekto para sa kapakanan ng buong komunidad. Sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng bawat isa, mas mapapalakas natin ang ugnayan ng opisyales at ng mamamayan.
Kita-kits po tayo mamayang gabi! Sama-sama nating itaguyod ang mas maunlad na San Antonio!