29/07/2026
Sa mahal na pamilya, mga kasamahang tsuper, kaibigan, at mga Iskolar ng Bayan na minahal ni Ka Ferdie:
Iniimbitahan ang lahat na sama-sama nating dakilain ang kanyang makabuluhang buhay bilang isang komunidad na minsan niyang ipinaglaban. Ang parangal para kay Ferdinand "Ka Ferdie" Damasco, na gaganapin sa August 1, 8pm, sa 79 Saint Francis St., Pook Dagohoy, UP Diliman.
Sa loob ng halos walong taon, si Ka Ferdie ang naging pangulo ng UP-Philcoa Jeepney Drivers and Operators Association, at isa siya sa mga nagtatag ng UP Transport Group. Higit pa dito, siya ay naging ama sa maraming Iskolar ng Bayan: laging bukas ang pinto, laging handang makinig, at walang sawang lumaban para sa kapakanan ng mga tsuper at komyuter sa loob ng campus.
Bukas puso pa ring tumatanggap ng mga donasyon ang kaniyang pamilya. Maaaring mag-message sa aming page o makipag-ugnayan kay Kristian Mendoza sa 0907 147 1140.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa at taos-pusong pakikiramay.
Alalahanin at ipagpatuloy ang laban! Mabuhay si Ka Ferdie!