09/04/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐! ๐ต๐ญ
Ngayong ika-84 na anibersaryo ng Araw ng Kagitingan, ating ginugunita ang kabayanihan, sakripisyo, at walang kapantay na tapang ng ating mga bayaning Pilipino.
Sa araw na ito, binibigyang-pugay natin ang mga sundalong matapang na nanindigan sa gitna ng matinding pagsubok sa kasaysayan ng ating bansa. Nararapat lamang na patuloy nating parangalan at huwag kailanman kalimutan ang kanilang mga sakripisyo, mga sakripisyong nagbigay sa atin ng kalayaan at pagkakakilanlan bilang isang bayan.
Higit pa sa pag-alala, ating isabuhay ang diwa ng kanilang kagitingan hanggang sa kasalukuyan. Sa gitna ng mga hamon na kinahaharap ng ating bansa ngayon, maging paalala sana ito na ang tunay na pagmamahal sa bayan ay nakikita sa ating pagkilos, paninindigan, at malasakit sa kapwa ๐ซก
Caption by: Jenaira Labas | Journalism Committee Head
Publication Material by: Cath Dakoykoy | Multimedia Committee Member