Apolonio Samson Kaingin Bukid Home Owners Association Inc.

Apolonio Samson Kaingin Bukid Home Owners Association Inc. Community Organization mandated by the RA 9904 "Magna Carta for Home Owners and Home Owners Association"

๐Ÿ“Œ ISANG MAHALAGANG HAKBANG PARA SA ATING PINANGARAPNoong Setyembre 28, 2026, isang mahalagang hakbang ang ating sama-sam...
29/09/2026

๐Ÿ“Œ ISANG MAHALAGANG HAKBANG PARA SA ATING PINANGARAP

Noong Setyembre 28, 2026, isang mahalagang hakbang ang ating sama-samang naisakatuparan. Pormal nating naideposito sa personal na bank account ni Ms. Feliciana Lim Choa ang obligasyong napagkasunduan ng Samahan at ng May-ari ng Lupa bilang paunang bayad (Equity) para sa pagbili ng lupang matagal na nating pinapangarap na maging atin.

Ang mahalagang hakbang na ito ay bunga ng pagtutulungan, pagkakaisa, tiwala, at sama-samang pagsisikap ng ating mga miyembro at ng pamunuan ng Samahan.

Hindi man naging madali ang ating paglalakbay, patuloy tayong humakbang dahil naniniwala tayo na kapag nagkakaisa ang bawat isa, mas napapalapit tayo sa ating pangarap.

๐Ÿ™ Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi, nagtiwala, at patuloy na sumusuporta sa ating layunin.

Mula sa pangarap, tungo sa katuparan.
Sama-sama nating abutin ang lupang matagal na nating pinapangarap na maging atin. ๐Ÿก๐Ÿ’š

MINSAN, ANG MALAKING PAGBABAGO AY NAGSISIMULA SA ISANG MALIIT NA HAKBANG. ๐Ÿ โค๏ธNoong September 23, 2026, nagsama-sama ang ...
26/09/2026

MINSAN, ANG MALAKING PAGBABAGO AY NAGSISIMULA SA ISANG MALIIT NA HAKBANG. ๐Ÿ โค๏ธ

Noong September 23, 2026, nagsama-sama ang ASAKABA HOA at ang ating mga kapamilya para sa mahalagang SHFC Orientation tungkol sa proseso ng ating housing project at ECMP application.

Kasama sina:
SHFC-NCR Central Branch headed by maam Judith
Office of Cong Marivic Co-Pilar Represented By Maam Ayrene and Staffs
QCPD PS1 LaLoma

Para sa iba, maaaring isa lamang itong orientation.

Pero para sa atin, ito ay isang hakbang patungo sa pangarap.

Pangarap na balang araw, hindi na pangamba ang mararamdaman ng ating mga pamilya tuwing malakas ang ulan.

Pangarap na magkaroon ng mas maayos na kalsada at drainage, mas ligtas na komunidad, at higit sa lahat, isang tahanang may seguridad at malinaw na kinabukasan.

Hindi man madali ang prosesong ating tatahakin, hindi rin imposible ang pangarap kung may pagkakaisa, tiyaga at sama-samang pagkilos.

Kaya sa bawat kapamilya ng ASAKABA HOA:

Huwag tayong mawalan ng pag-asa.
Huwag tayong matakot sa proseso.
At huwag nating hayaang ang pangarap ay manatiling pangarap lamang.

Makilahok. Magtanong. Maghanda. Makipagtulungan.

Dahil bawat dokumentong ating kinukumpleto, bawat pagpupulong na ating dinadaluhan, at bawat hakbang na ating ginagawa ay maaaring maging bahagi ng mas magandang kinabukasan ng ating pamilya.

Darating ang araw na titingnan natin ang ating mga anak at masasabi natin:

โ€œAnak, hindi naging madali. Pero hindi kami sumuko. Pinangarap namin ito, pinagsikapan namin ito, at sama-sama naming ipinaglaban ang mas magandang tahanan para sa inyo.โ€

ASAKABA HOA โ€” Matatag na Samahan, Tungo sa Maunlad na Pamayanan.

Sama-sama, kaya natin itong maisakatuparan. โค๏ธ๐Ÿ ๐Ÿค

23/09/2026

SHFC Orientation w/ ASAKABA HOA MB ๐Ÿ’š

โœจ๐Ÿ‘๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐๐”๐„๐™๐Ž๐ ๐‚๐ˆ๐“๐˜ ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐ƒ๐€๐˜โœจLubos ang pasasalamat ng Konseho ng Barangay Apolonio Samson sa buong mamamayan ng ating ...
22/09/2026

โœจ๐Ÿ‘๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐๐”๐„๐™๐Ž๐ ๐‚๐ˆ๐“๐˜ ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐ƒ๐€๐˜โœจ

Lubos ang pasasalamat ng Konseho ng Barangay Apolonio Samson sa buong mamamayan ng ating barangay. Ang pagkilalang ito ay para sa inyo!

๐Ÿ†๐๐ฅ๐š๐ช๐ฎ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐€๐ฉ๐ฉ๐ซ๐ž๐œ๐ข๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐ƒ๐ž๐๐ข๐œ๐š๐ญ๐ž๐ ๐‹๐ž๐š๐๐ž๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐จ๐Ÿ ๐‡๐จ๐ง๐จ๐ซ๐š๐›๐ฅ๐ž ๐๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐„๐ฅ๐ข๐ณ๐š๐›๐ž๐ญ๐ก ๐‚. ๐ƒ๐ž ๐‰๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฌ
๐Ÿ†๐„๐ฑ๐ž๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐š๐ซ๐ฒ ๐๐ž๐ซ๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ง๐œ๐ž ๐ข๐ง ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ข๐š๐ง๐œ๐ž๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐‘๐ž๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ข๐ฏ๐ž๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ
๐Ÿ†๐„๐ฑ๐ž๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐š๐ซ๐ฒ ๐๐ž๐ซ๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ง๐œ๐ž ๐ข๐ง ๐ƒ๐ข๐ฌ๐š๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐๐ซ๐ž๐ฉ๐š๐ซ๐ž๐๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ

Ito ay magsisilbing inspirasyon upang mas lalo pa naming pagbutihin ang aming sinumpaang tungkulin.

Kalugdan nawa tayo ng Maykapal.๐Ÿ™๐Ÿป

๐‘€๐’ถ๐’ท๐“Š๐’ฝ๐’ถ๐“Ž..

ASAKABA HOA | PULONG AT KOORDINASYON SA QC-HCDRDNgayong Setyembre 10, 2026, nakipagpulong ang ASAKABA HOA kay QC Housing...
10/09/2026

ASAKABA HOA | PULONG AT KOORDINASYON SA QC-HCDRD

Ngayong Setyembre 10, 2026, nakipagpulong ang ASAKABA HOA kay QC Housing, Community Development and Resettlement Department (HCDRD) Head, Atty. Joselito Conejero, sa kabila ng pagkakansela ng pasok sa Departamento dala ng sama ng panahon.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga updates, nakahandang plano ng Lungsod, at mga kinakailangang koordinasyon kaugnay ng kasalukuyang proyekto ng ASAKABA HOA, upang maging mas maayos, malinaw at organisado ang magiging setup at pagpapatupad nito.

Nagpaabot naman ng suporta ang HCDRD sa proyektong kasalukuyang isinasagawa ng ASAKABA HOA, at nagpahayag ng kahandaang makipag-ugnayan at makipagtulungan upang maisakatuparan ang mga kinakailangang hakbang para sa kapakanan ng komunidad.

Bahagi ito ng patuloy na paglilinaw, pagpaplano at paghahanda ng ASAKABA HOA para sa isang maayos at organisadong pakikipagtulungan ng komunidad sa Pamahalaang Lungsod ng Quezon.

Sa maayos na koordinasyon, suporta ng pamahalaan at pagkakaisa ng komunidad, patuloy nating isinusulong ang isang organisado at maunlad na pamayanan.

ASAKABA HOA
โ€œMatatag na Samahan, Tungo sa Maunlad na Pamayanan.โ€

๐Ÿ“ข PARA SA KAALAMAN NG LAHAT NG RESIDENTE AT BENEFICIARIES NG PHASE VI โ€“ KAINGIN BUKIDMahalagang Paalala tungkol sa Appro...
07/09/2026

๐Ÿ“ข PARA SA KAALAMAN NG LAHAT NG RESIDENTE AT BENEFICIARIES NG PHASE VI โ€“ KAINGIN BUKID
Mahalagang Paalala tungkol sa Approved Subdivision Plan ng ASAKABA HOA Phase VI
Ipinababatid sa mga residente at beneficiaries ng Apolonio Samson Kaingin Bukid Homeowners Association, Inc. (ASAKABA HOA) โ€“ Phase VI na ang ating proyekto ay may Approved Subdivision Plan at Subdivision Approval para sa Community Mortgage Program (CMP).
๐Ÿ“Œ Subdivision Approval No.: BP-15-0789-SA
๐Ÿ“… Petsa ng Approval: May 5, 2015
๐Ÿ“œ Batay sa Quezon City Ordinance No. SP-2326, S-2014, na inaprubahan noong October 13, 2014
๐Ÿ“ Lokasyon: Lot 4606-A-2, (LRC) PSD-100862, Silangan St., Kaingin Bukid, Brgy. Apolonio Samson, Quezon City
๐Ÿ“ Gross Project Area: 5,127 sq. m.
๐Ÿ˜๏ธ Approved Number of Lots: 133 lots
Higit na mahalaga, noong February 16, 2026, ang Quezon City Planning and Development Department (QCPDD) ay nag-isyu ng certified true copies ng Approved Subdivision Plan at Subdivision Approval, bilang tugon sa request ng ASAKABA HOA. Ayon sa liham, ang mga dokumentong ito ay nagpapatunay sa approval ng subdivision project at sa compliance nito sa mga naaangkop na batas, rules, at regulations.
๐Ÿ  ANO ANG IBIG SABIHIN NITO?
Ang Approved Subdivision Plan ang nagsisilbing opisyal na batayan ng layout ng proyektoโ€”kabilang ang mga lot allocation, roads, at iba pang bahagi ng community development plan.
Dahil dito, ang anumang hakbang tungkol sa lot assignment, reblocking, paglilipat ng occupants/beneficiaries, road alignment, at implementation ng development plan ay kinakailangang isagawa nang naaayon sa approved plan at sa mga kinakailangang proseso ng mga kinauukulang ahensya.
Layunin ng ASAKABA HOA na maging malinaw, maayos, dokumentado at patas ang pagpapatupad ng proyekto, habang pinangangalagaan ang kapakanan ng mga kwalipikadong beneficiaries at ang pagsunod sa mga requirements ng CMP/ECMP.
๐Ÿ“Œ Ang mga dokumentong ito ay inilalahad para sa transparency, tamang impormasyon, at kaalaman ng buong komunidad.

๐Ÿก Isang Mahalagang Hakbang para sa ECMP ng ASAKABA Phase VIIsang mahalagang milestone para sa Apolonio Samson Kaingin Bu...
05/09/2026

๐Ÿก Isang Mahalagang Hakbang para sa ECMP ng ASAKABA Phase VI

Isang mahalagang milestone para sa Apolonio Samson Kaingin Bukid Homeowners Association, Inc. โ€“ Phase VI (ASAKABA HOA) ang pagtanggap ng liham mula sa Social Housing Finance Corporation (SHFC) na may petsang August 17, 2026, bilang pagkilala sa aming Letter of Intent to Avail Financing Assistance sa ilalim ng Enhanced Community Mortgage Program (ECMP).

Patuloy nating isinusulong ang proseso para sa land acquisition at site development ng aming komunidad, alinsunod sa mga kinakailangang dokumento, guidelines at evaluation process ng SHFC.

Ang liham na ito ay isa sa mga mahahalagang hakbang sa aming patuloy na paglalakbay tungo sa legal at permanenteng seguridad sa lupa at tahanan para sa mga kwalipikadong miyembro at benepisyaryo ng ASAKABA HOA Phase VI.

๐Ÿ™ Maraming salamat sa SHFC sa pagkilala at paggabay sa aming ECMP application. Patuloy ang ASAKABA HOA sa maayos, transparent at dokumentadong proseso hanggang sa makamit natin ang ating layunin.

Isang hakbang pa, isang hakbang na mas malapit sa sariling lupa at tahanan. ๐Ÿ ๐Ÿค

๐Ÿ˜๏ธ Isang Mapayapang Pag-uusap para sa Mas Maayos na KomunidadTayo ay naimbitahan noong Setyembre 3, 2026, isinagawa ang ...
05/09/2026

๐Ÿ˜๏ธ Isang Mapayapang Pag-uusap para sa Mas Maayos na Komunidad

Tayo ay naimbitahan noong Setyembre 3, 2026, isinagawa ang isang makabuluhang pagpupulong at dayalogo para sa mga residente ng Phase VI ng Kaingin Bukid na mga hindi kasapi ng ASAKABA HOA at kasama sa mga maaapektohan ng proyekto ng samahan, sa pangunguna nina Kap. Elizabeth C. De Jesus at Kgd. Ebeng De Jesus.

Layunin ng pagpupulong na mabigyan ng pagkakataon ang bawat panig na makapagpahayag, makapaglinaw ng mga katanungan at isyu, at higit sa lahat ay mapalakas ang maayos na komunikasyon at pagkakaunawaan sa loob ng komunidad.

Lubos naming pinahahalagahan ang pagkakataong magkaroon ng mahinahon, bukas at maayos na talakayan. Naniniwala tayo na sa pamamagitan ng respeto, pakikipagtulungan at bukas na komunikasyon, mas madaling makakahanap ng mga solusyon para sa kapakanan ng buong komunidad.

Maraming salamat po kina Kap. Elizabeth De Jesus at Kgd. Ebeng De Jesus sa pangunguna at pagbibigay ng pagkakataon para sa isang maayos na dayalogo. ๐Ÿค

05/09/2026

Isang Makabuluhang Talakayan para sa ECMP ๐Ÿก๐Ÿค

Noong Setyembre 4, 2026, nagkaroon tayo ng isang makabuluhang pag-uusap kasama si Congresswoman Marivic Co-Pilar sa kanyang District Office, kaugnay ng patuloy na pagpoproseso ng Enhanced Community Mortgage Program (ECMP) para sa aming komunidad.

Nagpapasalamat kami sa kanyang oras, pakikinig, at patuloy na suporta sa mga hakbang na kinakailangan upang maisulong ang pagbili ng lupa at pagkakaroon ng seguridad sa paninirahan ng mga benepisyaryo sa aming nasasakupan.

Malaking bagay ang kanyang tulong sa pagtugon sa mga mahahalagang kinakailangan at dokumento na bahagi ng proseso ng land acquisition, at sa pagbibigay ng gabay upang maging mas maayos at tuloy-tuloy ang aming ECMP application.

Patuloy tayong nakikipagtulungan sa mga kinauukulang tanggapan at stakeholders upang maisakatuparan ang pangarap na ligtas, legal, at permanenteng tahanan para sa ating mga pamilya.

Maraming salamat, Congresswoman Marivic Co-Pilar, sa inyong malasakit at suporta sa aming komunidad! โค๏ธ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

30/08/2026

Inaabisohan po ang lahat after ng coordination ng samahan katuwang ang Brgy Apolonio Samson Kap Che De Jesus maibabalik napo ang kuryente sa ating lugar anytime kaya sa lahat po ng ating mga residente siguruhin pong maayos na ang ating mga wires at outlets.

Mag Ingat po ang lahat Mabuhay.

Address

Quezon City
1106

Telephone

+639306389084

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Apolonio Samson Kaingin Bukid Home Owners Association Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share