04/09/2026
❗OFFICIAL STATEMENT❗
Nakarating sa aming tanggapan ang mga tanong patungkol sa FB Page na ito na nag ngangalang "Rescue 101" at nakalagay pa ang aming gmail account.
Ang naturang FB Page ay walang konekta saamin sa Rover Scout Circle 101. walang panahon o oras ang mga admin page na ito upang gumawa pa ng bago at pinaplano pa lamang ang patungkol sa Rescue Team na nabuo sa loob ng RSC 101.
Hindi namin itatanggi na merong Rescue Team ang Rover Scout Circle 101 na nag ngangalang "101st Rescue Unit - Fire & Rescue Volunteer Group" ngunit hindi pa ito opisyal at rehistrado sa ano mang local na pamahalaan, Ang nakita ninyong posting patungkol sa Duty nung nakaraan netong bumaha sa Provident Villages ay isang kusang gawa at tugon narin sa aming miyembro na nanghingi ng tulong na nakatira sa Provident Villages.
Ang kusang gawa at pag boboluntaryo ng mga Rover Scout na bahagi ng Circle 101 ay isinasapuso, ang pag patong ng pangalan ng pinaplanong Rescue Team sa posting ay decisyon ng bawat isa saamin.
Alam namin ang pinagkaiba ng Scouting sa Rescue Volunteer ngunit nabuo ang plano ng aming Rescue Team dahil narin sa samahan namin sa loob ng Circle.
Inuulit namin wala kaming ugnayan sa page na nasa larawan dahil iisa lamang ang aming ginagamit na page mapa scouting events or activities at rescue duties. MAARING I-REPORT ANG PAGE NA NASA LARAWAN PARA ITO'Y TULUYANG MATANGGAL NI META. SALAMAT.