21/10/2025
Bakit sila umiiwas bumati tuwing Birthday ko?
Magastos kasi ang bumati ng happy birthday sa akin.
Bakit?
Sa bawat bati kasi ay katumbas ng P100 na donasyon.
Every year nagsisimula ang aming Fund Raising sa Birthday ko o buwan ng aking Kapanganakan para sa taunang pamamahagi ng tuwa sa mga kabataan dito sa Brgy. Gulod at ilang piling lugar sa labas ng NCR.
Ang iyong pagbati sa aking kaarawan ay lubos kong ikinagagalak, at mas ikagagalak ko ang maging bahagi kayo ng taunang naming gift giving.
Ngayong taong, tulad ng maraming taong nagdaan, muli kaming kumakatok sa inyong mapagbigay na puso upang maging katuwang namin sa taunang proyekto na ito.
Ngayon pa lang ay pinasasalamatan ko na kayo sa inyong suporta, regalo niyo na ito sa aking kaarawan.
Salamat, at maligayang bati sa ating lahat na Libra!