29/06/2026
Cornerstone Community QC is turning 4 and it is only by God's grace!
Nagsimula ang cell group ng CCQC noong taong 2022, na may pitong member na nagmimeet sa maliit na printing shop ng isang pamilya na nagcommit magserve. Makalipas ang ilang buwan, nakalipat sa isang commercial space sa may Kamias Q.C., at nagkaroon ng nasa labinlimang attendees.
Hindi nakapagdiwang ng ikalawang anibersaryo ang CCQC dahil namalagi sa ospital ng mahigit dalawang buwan ang pamilya ng lead pastor at ang unang pamilya na katuwang na nagsisilbi sa simbahan ay naharap din sa health crisis. Bagaman, nagpatuloy pa rin ang pagtitipon at pag-aaral ng salita ng Diyos.
Sa biyaya ng Panginoon, pagkabalik ng lead pastor sa ministeryo, kinailangan na nilang maghanap ng panibagong bahay sambahan dahil natapos na ang kontrata at leading na rin ng Diyos na lumipat sa mas malapit na sambahan sa mga na reachout na kabataan sa Tandang Sora High School. Nakahanap sila ng pansamantalagang lugar ng pagsamba sa isang maliit na local cafe na inuupahan tuwing Linggo simula August 2024. Nakalipat ang church sa kasalukuyang sambahan noong December 2024 sa Villilia Village, Quirino
Highway, Novaliches, Quezon City.
Mula pito at ngayo'y apatnapu, patuloy pang lalago sa paglaganap sa pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus!
Papuri at pasasalamat sa ating Panginoong Hesus!