Bagumbayan Community Chapter

Bagumbayan Community Chapter Tau Gamma Phi
TCQC x MMRC x NC 🇵🇭

Munting handog ng Aming Kapatiran pra s Komunidad n nasasakupan nito❤️🙏"Ang isang simpleng mangkok ng sopas ay maaaring ...
31/08/2026

Munting handog ng Aming Kapatiran pra s Komunidad n nasasakupan nito❤️🙏

"Ang isang simpleng mangkok ng sopas ay maaaring mukhang maliit lamang, ngunit para sa mga nananatili sa evacuation center, ito ay nagdudulot ng init, ginhawa, at pag-asa. ❤️ Ngayon, hindi lang pagkain ang aming ibinabahagi, kundi pati kaunting kabutihan at suporta upang ipaalala sa lahat na hindi sila nag-iisa". 🙏🥣 Ingat po kayo palage

Nagpapasalamat dn kme s taos pusong nag bukal loob samin kabayan Katulak Nervalyn..Marami salamat❤️

At s mga kapatid n anjn palage s mga ganito sitwasyon Kilala nyo n kung sino kayo at s buong Bagumbayan Community Chapter🫡🙌

Post by: Tongaw🥰





Part 3 Fiesta Activity 🙏
19/08/2026

Part 3 Fiesta Activity 🙏



Part 2 Fiesta Activity!
19/08/2026

Part 2 Fiesta Activity!



Part 1Isang napakasaya at matagumpay na pagdiriwang! 🎉Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating mga butihing Kagawad a...
19/08/2026

Part 1

Isang napakasaya at matagumpay na pagdiriwang! 🎉

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating mga butihing Kagawad at sa lahat ng mga nagpaabot ng tulong, nag-sponsor, at nagbigay ng mga papremyo para sa mga bata ng Brgy. Bagumbayan! 🎁🥳 Nakakataba po ng puso na makita ang mga walang-kapatid na ngiti at marinig ang tawanan ng ating mga kabataan habang sila ay sumasali sa ating programa.
Kung hindi po dahil sa inyong kabutihang-loob at pagkakaisa, hindi mangyayari ang masayang palarong ito na siguradong tatatak sa isipan at puso ng ating mga kabataan habambuhay.

Ang pangunahing layunin po ng palarong ito ay upang mas maging masaya, makulay, at punong-puno ng magagandang alaala ang ating pagdiriwang ngayong August 16 ang kapistahan ng ating mahal na patron na si San Roque. Napatunayan po natin na kapag tayo ay nagtutulungan, mas marami tayong napapasaya.
Pagpalain po nawa kayo ng Poong Maykapal. Maraming salamat po at Mabuhay ang Brgy. Bagumbayan! Viva San Roque! 🙏✨"

-Goose





10/08/2026

"Sa simpleng paghahanda at pamamahagi ng munting mangkok ng Sopas🥣 ay maaring maliit lamang..,ngunit pra s munting ito, naipapakita natin ang tunay na diwa ng pagtutulungan. Hindi man kalakihan ang aming maibigay, mahalaga ang bawat munting tulong, lalo na sa mga pamilyang nasa ganito stwasyon.. Sama-sama tayo sa pagdamay, pagtulong, at pagbibigay ng pag-asa sa ating komunidad"..

Salamat s mga kapatid n palage nka suporta🥳🙌...
"Ang Bagumbayan Ang aming ugat at pinagmumulan Isang komunidad n aming pahahalagahan,igagalang at pararangalan..susundin Ang mga alituntunin nito at buong pagpapakumbaba,mgiging gabay kme samin nsasakupan s abot ng aming makakaya at s mga namamahala dto"..

Muli ngpapasalamat dn po kme s mga suporta samin naway pagpalain po kayo ng may kapal..at s mga napangiti nmin s simpleng kawang gawang ito..ingat po palage🙏

Ito po Ang Triskelion Bagumbayan Community Chapter mahal po nmin kayo❤️🙌

Original song: "Kapatiran Para sa Komunidad"

Post by: Tongaw☺️





Unang kaganapan at pgpupulong pra s nalalapit n k fiestahan ng Brgy. Bagumbayan San Roque parish❤️🙏At s mga bagong opisy...
05/08/2026

Unang kaganapan at pgpupulong pra s nalalapit n k fiestahan ng Brgy. Bagumbayan San Roque parish❤️🙏

At s mga bagong opisyalis (2026) lalo nsa mga kapatid ng Bagumbayan Community Chapter pra s komunidad at nsasakupan ng Brgy. Bagumbayan..

“Pahalagahan at igalang ang mga alituntunin nito.,sapagkat ang bawat hakbang ay nagiging may layunin at ang bawat pasya ay ginagabayan ng my dangal." At isa dn itong gabay tungo s maayos n pg didisiplina s sarili pra s pang araw araw n pamumuhay..

Naway mging mtagumpay ang ating bawat mga planu pra s hinaharap..ngsisimula plng tayo sama sama ntin tpusin ito hngang dulo mga kapatid..
lab you all😘🎉

Post by: TONGAW🥰🙏





30/07/2026

Congratulations newly elected Grand TRISKELION
Ahner Santander Parafina of bagumbayan project 4 TRISKELION SECTOR

Attention!!We are proud to announce that the Tau Gamma Phi Bagumbayan Chapter successfully conducted our chapter electio...
05/07/2026

Attention!!

We are proud to announce that the Tau Gamma Phi Bagumbayan Chapter successfully conducted our chapter elections last July 4, 2026.

The democratic process was carried out with unity, dedication, and the shared goal of strengthening our chapter for the challenges and opportunities ahead. We would like to extend our sincerest gratitude to every member who participated and exercised their right to vote, ensuring that our collective voice remains strong and directed.

To our newly elected officers congratulations! We are confident that you will lead with integrity, honor, and the true spirit of our Fraternity. May you serve the Bagumbayan Chapter with excellence and steadfast commitment to our ideals.

Let’s continue to move forward, grow, and uphold the pride of the Triskelion.



ANG KAHALAGAHAN NG CHAPTER AUTONOMY AT ANG TUNAY NA PAPEL NG MGA COORDINATING BODIESSa loob ng Tau Gamma Phi at Tau Gamm...
06/06/2026

ANG KAHALAGAHAN NG CHAPTER AUTONOMY AT ANG TUNAY NA PAPEL NG MGA COORDINATING BODIES

Sa loob ng Tau Gamma Phi at Tau Gamma Sigma, mahalagang maunawaan ng bawat Triskelion ang pagkakaiba ng Chapter at ng mga Coordinating Bodies gaya ng Council, District, Regional, MMRC, NEC, at iba pang antas ng pamunuan.

Ang Chapter ang pundasyon ng ating kapatiran. Dito nagsisimula ang pagiging miyembro. Dito nahuhubog ang disiplina, pagkakapatiran, pananagutan, at paglilingkod. Ang Chapter ang pinakamalapit sa mga miyembro at siyang may direktang kaalaman sa kanilang pag-uugali, partisipasyon, kontribusyon, at mga suliraning kinakaharap.

Dahil dito, ang Chapter ay hindi lamang simpleng yunit ng organisasyon. Ito ay isang autonomous body na may sariling kapangyarihan sa mga usaping may kinalaman sa kanyang mga miyembro.

Kasama rito ang:
• Pagtanggap ng bagong miyembro
• Pangangasiwa sa mga kasapi nito
• Pagpapatupad ng disiplina
• Pagsasagawa ng imbestigasyon at due process
• Pagdinig ng mga reklamo at kaso laban sa miyembro
• Rekomendasyon o pagpapatupad ng suspension, sanctions, o expulsion alinsunod sa umiiral na proseso

Samantala, ang mga Council, Regional Bodies, MMRC, NEC, at iba pang Coordinating Bodies ay nilikha upang pag-isahin ang direksyon ng organisasyon, magbigay ng koordinasyon, magsilbing tulay ng komunikasyon, tumulong sa pagpapatupad ng mga programa, at tiyakin ang pagkakaisa ng buong kapatiran.

Ang kanilang pangunahing tungkulin ay mag-coordinate, hindi manghimasok.

Magbigay ng direksyon, hindi magdikta.
Magkaisa ng mga Chapter, hindi palitan ang kanilang kapangyarihan.

Mahalagang malinaw ito dahil kapag nawala ang awtonomiya ng Chapter, nawawala rin ang isa sa pinakamahalagang pundasyon ng organisasyon. Nagiging sentralisado ang lahat ng kapangyarihan at nawawalan ng boses ang mga kapatid na direktang nakakakilala at nakakasama sa isang miyembro araw-araw.

Ang Chapter ang unang nakakakita ng katotohanan sa anumang isyu. Sila ang nakakaalam ng buong konteksto, mga pangyayari, at mga ebidensyang hindi nakikita ng mga nasa mas mataas na antas ng organisasyon.

Hindi maaaring maging mas mahusay ang paghatol ng isang malayong tanggapan kaysa sa mga kapatid na direktang nakasaksi at nakakaalam ng buong sitwasyon.

PAALALA SA MGA NAMUMUNO SA MGA COORDINATING BODIES AT NATIONAL LEADERSHIP

Ang pagiging opisyal sa Council, Regional, MMRC, NEC, o anumang Coordinating Body ay hindi nangangahulugan ng pagkakaroon ng kapangyarihang sakupin ang awtoridad ng Chapter.
Ang koordinasyon ay hindi kailanman dapat maging dominasyon.

Ang paggabay ay hindi dapat maging panghihimasok.

At ang pamumuno ay hindi dapat maging pag-agaw ng kapangyarihang hindi naman ipinagkaloob sa inyong mandato.

Kung ang usapin ay may kinalaman sa membership, asal ng miyembro, disiplina, paglabag sa mga alituntunin ng kapatiran, imbestigasyon, pagdinig, suspension, o expulsion, ang pangunahing hurisdiksyon ay dapat manatili sa kinauukulang Chapter at sa mga mekanismong itinakda ng kapatiran para rito.

Walang Coordinating Body ang dapat mag-overpower o mag-overstep sa Chapter Autonomy sa mga bagay na malinaw na saklaw ng Chapter.
Ang tunay na lakas ng organisasyon ay hindi nasusukat sa dami ng kapangyarihang nakasentro sa iilang tao.

Nasusukat ito sa kakayahang igalang ang mga limitasyon ng bawat antas ng pamunuan at sa paggalang sa mga karapatang ipinagkaloob sa bawat Chapter.

Malakas ang National kung malalakas ang mga Council.

Malalakas ang mga Council kung malalakas ang mga Chapter.

At mananatiling malalakas ang mga Chapter kung iginagalang ang kanilang awtonomiya.

Sa huli, ang Chapter ang puso ng kapatiran.
Ang mga Coordinating Bodies ang nagsisilbing tulay.
Ngunit kailanman, ang tulay ay hindi dapat maging may-ari ng puso.

Respect Chapter Autonomy.
Protect Due Process.
Strengthen the Organization.

Post and Credit to:
RTU Triskelion Alumni Org🫡

Repost:
By admin: Tongaw🥰🙏



Excel in your chosen field of interest and endeavor!Congratulations  Junior Diama  Your chapter is proud of you!
11/05/2026

Excel in your chosen field of interest and endeavor!

Congratulations Junior Diama Your chapter is proud of you!



Address

Bagumbayan
Quezon City
1110

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bagumbayan Community Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share