SK Chairman Lanz Acebo

Directions

SK Chairman Lanz Acebo Newly established Youth Organization, B who will actively campaigning for Active Public Service

ROAD FLUSHING! Mula umaga hanggang hapon ay kumikilos at nagtatrabaho na ang ating MS Tiger Fire and Rescue Volunteer In...
18/08/2026

ROAD FLUSHING!

Mula umaga hanggang hapon ay kumikilos at nagtatrabaho na ang ating MS Tiger Fire and Rescue Volunteer Inc. sa pangunguna ni Tiger Bravo Benedict Omela.

Ngayong gabi ay nagkaroon ng flushing mula sa Lava Compound hanggang Navarette para alisin ang mga putik at dumi sa kalsada. Nakipagtulungan ang inyong lingkod kay Tiger Bravo Benedict Omela para sa pag-flushing ng kalsada.

Di naman po tayo tinanggihan bagkus tinugunan ni Tiger Bravo Benedict ang request na ito.

Lubos ang aking pasasalamat sa pamunuan ng MS Tiger Fire and Rescue Volunteer Inc. led by Tiger Bravo Benedict Omela sa pagtugon sa ating request, taun-taon kapag bumabaha ng mataas at maraming dumi sa kalsada ay hindi niyo ako tinatanggihan.

Maraming Salamat MS Tiger Fire and Rescue Team! ❤️

DOXYCYCLINE 💊After po natin mag rescue kaninang umaga, magluto at mamigay ng hot meals, kanina naman ay namahagi tayo ng...
17/08/2026

DOXYCYCLINE 💊

After po natin mag rescue kaninang umaga, magluto at mamigay ng hot meals, kanina naman ay namahagi tayo ng mga Doxycycline para sa mga ka-barangay nating binaha at lumusong sa tubig.

Ito po’y handog ng ating Konsehala Dra. Doray and Tita Beth Delarmente na siyang ating ipinamahagi. Maraming salamat po Konsehala Dra. Doray at Tita Beth sa inyong handog na Doxycycline.

Sa mga nanghihingi po ng gamot, bukas po ay iikot ulit ako upang mamahagi ng mga Doxycycline mula kina Konsehala Dra. Doray at Tita Beth Delarmente.

Mag ingat po ang lahat!

DOXYCYCLINE!Magandang umaga po sa lahat, sino po ang nangangailangan ng gamot na Doxycycline? Mayroon po tayong 2 box mu...
11/08/2026

DOXYCYCLINE!

Magandang umaga po sa lahat, sino po ang nangangailangan ng gamot na Doxycycline? Mayroon po tayong 2 box mula sa ating Doktora ng Bayan, Coun. Dra. Doray and Tita Beth Delarmente ❤️

Bawat tao po ang bibigyan ko po ng 2 tablets lalo na po ang mga lumusong sa baha

Salamat po

BAHA UPDATE!Unpassable na po ang maraming kalsada sa ating Barangay lalo na ang kahabaan ng West River Side at Valencia ...
08/08/2026

BAHA UPDATE!

Unpassable na po ang maraming kalsada sa ating Barangay lalo na ang kahabaan ng West River Side at Valencia St.

Kaya po ang lahat ang pinaalalahanang mag ingat at lumikas na kung kinakailangan.

Keep safe and dry everyone!

HOT MEALS ❤️Sa gitna ng patuloy na pag-ulan ang inyo pong lingkod ay personal na nagluto ng Champorado at Sopas para sa ...
08/08/2026

HOT MEALS ❤️

Sa gitna ng patuloy na pag-ulan ang inyo pong lingkod ay personal na nagluto ng Champorado at Sopas para sa ating mga Ka-Barangay sa Apollo West River Side at mga ilang Tricycle Driver sa ating lugar.

Masaya po tayong magpatuloy sa paglilingkod sa oras ng kalamidad at masamang panahon. Malugod din po tayong nagpapasalamat kina Kgd. Eric M. Macapagal, kanyang maybahay Mrs. Izy Macapagal, Tita Josie Blanco, Mr. Edward Pineda at buong Team Bayanihan - Brgy. Del Monte sa mga tinapay na ibinigay sa atin upang maipamahagi ❤️

Mag ingat po ang lahat ❤️

DAYCARE 📚Ngayong araw po ay nagkaroon ng programa ang ating Konsehal ng Masa, Coun. TJ Calalay na school supplies distri...
28/07/2026

DAYCARE 📚

Ngayong araw po ay nagkaroon ng programa ang ating Konsehal ng Masa, Coun. TJ Calalay na school supplies distribution sa 2 Daycare center ng ating Barangay.

Malugod po tayong naimbitahan ng tanggapan ni Konsehal TJ Calalay na samahan ang kanyang kapatid na si Kuya Boyet Calalay na maipamahagi ang mga nasabing school supplies sa mga chikiting ng aming barangay.

Lubos po ang aming pasasalamat sa ating Konsehal ng Masa at Kuya Boyet Calalay para sa programang ito


TAU GAMMA 🖐️Ang inyo pong lingkod ay nakiisa sa pagdiriwang ng Tau Gamma San Francisco Del Monte Sector, masaya po akong...
18/07/2026

TAU GAMMA 🖐️

Ang inyo pong lingkod ay nakiisa sa pagdiriwang ng Tau Gamma San Francisco Del Monte Sector, masaya po akong maimbitahan ng Marinduque West Riverside Community na makasama at makiisa sa kanilang pagdiriwang ng ika-13 Taon ng kanilang Sektor.

Malugod po akong bumabati sa inyong pagkakatatag, nawa’y lalong tumagal ang inyong grupo at mas marami pang proyekto ang ating pagtulungan!

Mabuhay ang Tau Gamma!

BRGY. APAS ❤️Bilang Pangulo ng District 1 SK Federation of QC, kahapon po tayo po’y naimbitahan ng tanggapan ng ating SK...
17/07/2026

BRGY. APAS ❤️

Bilang Pangulo ng District 1 SK Federation of QC, kahapon po tayo po’y naimbitahan ng tanggapan ng ating SK Federation President, Konsi Sami Neri upang magrepresenta at magpresenta ng mga aktibidad at mga programa ng SK Federation of Quezon City sa harapan ng mga guests mula sa Brgy. Apas, Cebu City.

Kasama po nating humarap sa kanila ay ang mga representante ng QCYDO, SK Chairman Julles Apo (Brgy. Tandang Sora) at ang aming Presidente, Coun. Sami Neri.

Kami ay masayang napili ninyo ang Quezon City para sa inyong benchmarking. We are hoping that you learned a lot from us, we are looking forward for more guests from different place around the country that will visit our beloved City.

Address

Brgy. Del Monte
Quezon City
1105

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SK Chairman Lanz Acebo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share