18/07/2026
🙌 YOU'RE INVITED TO SUNDAY WORSHIP!
"I was glad when they said unto me, Let us go into the house of the Lord." – Psalm 122:1
Blessed Weekend, everyone!
Sa gitna ng ating pagiging abala sa trabaho, negosyo, pag-aaral, at iba't ibang responsibilidad sa buhay, huwag nating kalilimutang bigyan ng oras ang Diyos.
Ang Sunday Worship ay hindi lamang isang religious gathering—ito ay panahon ng ating pagtatagpo sa Panginoon, panahon ng pagpapanibago ng ating pananampalataya, at panahon upang maranasan ang Kanyang presensya.
Tuwing tayo ay sama-samang sumasamba, lumalakas ang ating espiritu, napupuno ng pag-asa ang ating puso, at tumatanggap tayo ng direksyon mula sa Salita ng Diyos.
🌅 AFTERNOON WORSHIP
🕜 1:30 PM
🌙 NEW! SUNDAY EVENING WORSHIP
🕖 7:00 PM
Ang Evening Service ay espesyal na inihanda para sa mga hindi makadalo sa afternoon service dahil sa trabaho, negosyo, duty, o iba pang commitments.
Alam naming may mga frontliners, call center agents, sales personnel, security guards, healthcare workers, at iba pang professionals na hindi laging available tuwing hapon.
Kaya nag bukas tayo ng Sunday Evening Worship upang mas marami pang tao ang magkaroon ng pagkakataong sumamba sa Diyos.
Walang dapat mapagkaitan ng pagkakataong makinig sa Salita ng Diyos.
Kung hindi ka makakadalo sa 1:30 PM, may lugar para sa'yo sa 7:00 PM.
At kung nakakadalo ka naman sa afternoon service, tulungan mo kaming maabot ang iba.
Magdala ng iyong pamilya, kaibigan, katrabaho, o kakilala na hindi pa nagsisimba dahil sa kanilang work schedule.
Maaaring ang simpleng pag-anyaya mo ang maging simula ng pagbabago ng kanilang buhay at ng kanilang pamilya.
📍 Join us every Sunday!
Afternoon Service: 1:30 PM
Evening Service: 7:00 PM
📍 GMG Building, 26 Harvard St., 3rd Floor, Cubao, Quezon City.
Hindi ka lang namin iniimbitahan sa isang church service.
Iniimbitahan ka naming maranasan ang presensya ng Diyos, ang kapangyarihan ng Kanyang Salita, at ang pag-ibig ng Kanyang pamilya.
See you this Sunday!
Bring your family. Bring your friends. Bring your workmates.
Let's worship the Lord together! 🙏
For more Information, Prayer & Counselling
You may PM or Call us to this #
#0997 550 5226
#0935 123 9910
#0970 151 7292