UP Kalinaw

UP Kalinaw UP Katilingban sa mga Anak Mindanao (UP Kalinaw) is the home of Mindanaoans in UP Diliman.

UP Kalinaw Executive Committee for AY 2022-2023:

KRISTIANA GLORIA FABRIA
President

MARY NYN HERUELA
Executive Vice-President

FRANCHESCA PASCUAL
Vice-President for Education and Research

EMMANUEL CRUZ
Vice-President for External Affairs

JAN PAUL ATER
Vice-President for Finance

JAMELA VERNA BENIGA
Vice-President for Internal Affairs

AZMARIE ALONTO
Vice-President for Membership and Recruitment

JERI MARIE TABILIRAN
Vice-President for Publicity and Creatives

11/06/2026
ALL EYES ON SOX!Kritikal pa rin ang sitwasyon sa Sox matapos ang naganap na lindol, habang patuloy na nararanasan ang mg...
10/06/2026

ALL EYES ON SOX!

Kritikal pa rin ang sitwasyon sa Sox matapos ang naganap na lindol, habang patuloy na nararanasan ang mga aftershocks na tinatayang maaaring tumagal pa ng ilang linggo hanggang isang buwan.

Sa mga pinakamalubhang apektadong lugar, nananatiling limitado ang pagdating ng tulong. Ayon sa mga ulat, may ilang komunidad pa rin na hindi pa naaabot ng sapat na ayuda, kayaโ€™t umaasa na lamang ang mga residente sa natitirang lokal na suporta at sariling kakayahan upang makaraos.

Sa ilang barangay, napilitang matulog sa open court ang mga pamilya matapos masira o ideklarang delikado ang kanilang mga tahanan. Dahil dito, mas tumitindi ang pangamba sa kaligtasan at kalusugan, lalo na habang nagpapatuloy ang pagyanig sa mga aftershocks.

Dagdag pa rito, ilang lugar ang nakaranas ng matagal na pagkawala ng kuryente na umabot ng halos isang araw. Dahil dito, nahirapan ang komunikasyon, suplay ng tubig, at iba pang pangunahing serbisyo, na lalong nagpapabigat sa koordinasyon ng rescue at relief operations.

Kapansin-pansin rin ang limitadong ulat mula sa mga apektadong bayan tulad ng Malapatan at Glan, na nagdudulot ng pangamba sa kakulangan ng impormasyon at mabagal na pag-abot ng balita mula sa mga komunidad.

Patuloy ang panawagan ng mga residente at lokal na tagapagligtas para sa mas mabilis na distribusyon ng ayuda, at pagpapanumbalik ng komunikasyon.

Maaring mag-donate sa mga organisasyong โ€˜to:

๐Ÿ“ FPOP Kabataang Sox:

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1329108619356013 Facebook

๐Ÿ“ Mindanao Climate Justice:

https://www.facebook.com/share/p/1DeN3mhCym/

10/06/2026

๐——๐—ข๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐——๐—ฅ๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—จ๐—ฃ๐——๐—”๐—ง๐—˜!๐Ÿšจ

Isang napakalaking pasasalamat sa lahat ng nagpaabot ng kanilang tulong! As of ๐—๐˜‚๐—ป๐—ฒ ๐Ÿญ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐Ÿญ๐Ÿญ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—”๐— , ang ating nakolektang pondo ay umabot na sa kabuuang ๐—ฃ๐—›๐—ฃ ๐Ÿณ,๐Ÿต๐Ÿฏ๐Ÿฌ.๐Ÿณ๐Ÿฑ. Kasabay nito, dumarating na rin ang mga in-kind goods mula sa ating mga bayaning donors!

Para sa buong ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐˜† ng ating komunidad, narito ang kasalukuyang status ng ating relief initiative:

๐— ๐—ข๐—ก๐—˜๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ฌ ๐——๐—ข๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ ๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง
โ€ข ๐—ง๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐——๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฒ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฑ: ๐—ฃ๐—›๐—ฃ ๐Ÿณ,๐Ÿต๐Ÿฏ๐Ÿฌ.๐Ÿณ๐Ÿฑ
โ€ข ๐—”๐˜ƒ๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฒ ๐—–๐—ฎ๐˜€๐—ต ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ: ๐—ฃ๐—›๐—ฃ ๐Ÿณ,๐Ÿต๐Ÿฏ๐Ÿฌ.๐Ÿณ๐Ÿฑ (GCash & MariBank accounts combined)
โ€ข ๐—”๐—น๐—น๐—ผ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป: ๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฌ% ng pondong ito ay gagamitin para ibili ng mga essential goods na direktang ipapamahagi sa mga pamilyang nasalanta ng ๐Ÿณ.๐Ÿด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ป๐—ถ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ต๐—พ๐˜‚๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ. Walang anumang bawas para sa administrative costs.

๐—œ๐—ก-๐—ž๐—œ๐—ก๐—— ๐——๐—ข๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—–๐—ž๐—˜๐—ฅ (๐—–๐˜‚๐—ฟ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฃ๐—น๐—ฒ๐—ฑ๐—ด๐—ฒ๐˜€)
Maraming salamat sa ating mga donors na unang nagpaabot ng pledges para sa ating hygiene essentials:

โ€ข ๐—ฆ๐—ต๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ผ (๐Ÿฑ๐Ÿฌ ๐—ฝ๐—ฐ๐˜€): Giu (25), Juliana S (15)
โ€ข ๐—ง๐—ผ๐—ผ๐˜๐—ต๐—ฏ๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐—ต (๐Ÿฑ๐Ÿฌ ๐—ฝ๐—ฐ๐˜€): Kenneth (25), Ikr (25)
โ€ข ๐—ก๐—ฎ๐—ฝ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐˜€ (๐Ÿณ๐Ÿฌ ๐—ฝ๐—ฐ๐˜€): Chariza (10), Juliana B (15), Julie (10), Aiken Clemeno (10), Annaliza (10), Angel (10), Maria (15)
โ€ข ๐—ฆ๐—ผ๐—ฎ๐—ฝ (๐Ÿญ๐Ÿฑ ๐—ฝ๐—ฐ๐˜€): Tope (15)

๐—ฅ๐—˜๐— ๐—”๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—˜๐—˜๐——๐—ฆ (๐—ง๐—ฎ๐—ฟ๐—ด๐—ฒ๐˜: ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฌ+ ๐—›๐˜†๐—ด๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ ๐—ž๐—ถ๐˜๐˜€ & ๐—›๐˜†๐—ฑ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป)
Upang makabuo tayo ng sapat at kumpletong relief kits para sa mga pamilya, kailangan pa po natin ng mga sumusunod na in-kind donations:

โ€ข ๐Ÿญ๐Ÿฒ๐Ÿฌ ๐—ฝ๐—ฐ๐˜€ โ€“ Shampoo
โ€ข ๐Ÿญ๐Ÿฑoption ๐—ฝ๐—ฐ๐˜€ โ€“ Toothbrushes
โ€ข ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฝ๐—ฐ๐˜€ โ€“ Toothpastes
โ€ข ๐Ÿญ๐Ÿด๐Ÿฑ ๐—ฝ๐—ฐ๐˜€ โ€“ Soaps
โ€ข ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฝ๐—ฐ๐˜€ โ€“ Deodorants (Rexona or equivalent)
โ€ข ๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฌ+ ๐—ฝ๐—ฐ๐˜€ โ€“ ๐—ช๐—”๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—๐—จ๐—š๐—ฆ (Highly needed para sa clean drinking water)

๐—›๐—ข๐—ช ๐—ฌ๐—ข๐—จ ๐—–๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—˜๐—ก๐—— ๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ฅ ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง?
Maaari kayong magpadala ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng pag-scan sa mga ๐—ค๐—ฅ ๐—–๐—ผ๐—ฑ๐—ฒ๐˜€ sa image o gamit ang mga detalye sa ibaba:

๐—š๐—–๐—ฎ๐˜€๐—ต ๐—”๐—ฐ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐˜:
โ€ข Name: ๐—ž๐—˜๐—ก๐—ก๐—˜๐—ง๐—› ๐—ข. ๐—ฌ๐—˜๐—–๐—ฌ๐—˜๐—–

๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ธ ๐—”๐—ฐ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐˜:
โ€ข Name: ๐—–๐—›๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ญ๐—” ๐— ๐—˜๐—” ๐—–๐—”๐—ฃ๐—จ๐—ฌ๐—”๐—ก

๐—ฃ๐—ต๐˜†๐˜€๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐——๐—ฟ๐—ผ๐—ฝ-๐—ผ๐—ณ๐—ณ ๐—ฃ๐—ผ๐—ถ๐—ป๐˜ (for In-Kind Goods):
โ€ข ๐—™๐—ฃ๐—ข๐—ฃ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜† ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ ๐—–๐—น๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ฐ, VA, Mirabueno St. cor. S. Clariza, Dad. East, General Santos City

Sana po ay patuloy tayong magkapit-bisig para sa pagbangon ng ating mga kababayan. Any additional supportโ€”malaki man o maliitโ€”will go a long way for those in need. Maraming salamat po sa inyong walang sawang tiwala at suporta!

10/06/2026

MCJ is a nonprofit organization committed to facilitating genuine transformation and sustainable development in Mindanao by advocating for community-led climate and social justice.

๐Ž๐ ๐“๐‡๐„ ๐…๐Ž๐‘๐„๐…๐‘๐Ž๐๐“ ๐Ž๐… ๐“๐‡๐„ ๐Œ๐ˆ๐๐ƒ๐€๐๐€๐–๐€๐ ๐’๐“๐‘๐”๐†๐†๐‹๐„, ๐“๐‡๐„ ๐๐”๐„๐„๐‘๐’!Mahalaga ang papel ng LGBTQ+ sa pagsusulong ng tunay na kalayaan...
02/06/2026

๐Ž๐ ๐“๐‡๐„ ๐…๐Ž๐‘๐„๐…๐‘๐Ž๐๐“ ๐Ž๐… ๐“๐‡๐„ ๐Œ๐ˆ๐๐ƒ๐€๐๐€๐–๐€๐ ๐’๐“๐‘๐”๐†๐†๐‹๐„, ๐“๐‡๐„ ๐๐”๐„๐„๐‘๐’!

Mahalaga ang papel ng LGBTQ+ sa pagsusulong ng tunay na kalayaan sa Mindanao. Sa kabila ng patuloy na diskriminasyon, pinatutunayan ng kasaysayan na ang mga bayot ay hindi lamang bahagi ng pakikibaka, kundi mahalagang pwersa sa pagpapalaya tungo sa pambansang demokrasyang bitbit ang Mindanao liberation. Ang karanasan ng mga baklang moro, lumad, at settlers sa pang-aapi ay nagbibigay-linaw sa mas malalim na ugat ng kawalan ng hustisya sa buong bansa.

Sa Mindanao, kung saan matindi ang epekto ng militarisasyon, kahirapan, at historikal na marginalisasyon, lalong nagiging mahalaga ang partisipasyon ng mga bayot, sapagkat ang kanilang paglaban ay hindi hiwalay sa laban para sa materyal na hustisya ng lahat ng aping sekror ng lipunan; ito ang laban sa pagwawakas ng pagsasamantala at hindi pagkakapantay-pantay.

Sa kabila ng umiiral na homophobia at patriyarkal na kaisipan, napatunayan ng mga Mindanawang bakla at lesbyana sa hanay ng pakikibaka na kaya nilang mamuno, lumaban, at magsilbi sa masa tulad ng sinuman. Higit pa rito, ipinakita ng kanilang mga karanasan na ang laban kontra-diskriminasyon ay kaakibat ng laban sa mas malawak na sistemang nagsasamantala, kayaโ€™t ang kanilang pakikibaka ay nagiging mahalagang bahagi ng kolektibong pagsisikap para sa hustisya at tunay na pagpapalaya sa Mindanao (Briones, 2022).

Ngayong Pride Month, naninindigan ang UP Kalinaw: kailangan ang mga bayot sa laban para sa Mindanao liberation. Ang kanilang talino at tapang ay mahalaga sa paghubog ng isang lipunang tunay na malaya at makatarungan. Ang Pride ay protesta, itoโ€™y aktibong pakikilahok sa pagbabago. Sapagkat ang pagpapalaya sa Mindanao ay hindi magiging ganap kung walang pagkilala at pakikibaka ng mga bayot!

HAPPY PRIDE MONTH!



๐ŸŽจ: Christian Lumasag Mocorro

References:
Briones, J. C. (2022). Rainbow guerrillas: Gay and le***an narratives inside the revolutionary movement in Mindanao. Kritika Kultura, (39), 498โ€“519.

31/05/2026
21/05/2026

Para sa usa ka tinood, palaban, ug makabayan na konseho para sa atoang pamantasan!

Pinagpupugayan ng UP Katilingban sa mga Anak Mindanao ang mga bagong lider-estudyanteng nahalal sa University Student Council. Naniniwala ang aming organisasyon sa mga tunay na representante upang ipaglaban ang mga hinaning hindi lamang ng sangkaestudyantehan kundi ng bawat sektor ng lipunan.

Ngayon, ipinapanawagan naming huwag kilalanin ang โ€œabstainโ€ option, at iproklema si Tristan Aguilar bilang konsehal ng USC.

Tungo sa genuine student representation at Mindanao liberation!

12/05/2026

Address

University Of The Philippines Diliman
Quezon City
1101

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Kalinaw posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share