Concerned Seafarers of the Philippines

Concerned Seafarers of the Philippines The sole organization that unite protect and defend maritime workers and their family's rights. PAANDARIN ANG TURBINA! MGA MARINO, MAGKAISA!

KAMI ANG CONCERNED SEAFARERS OF THE PHILIPPINES, ang natatanging samahan ng mga Marino at Manggagawang pangbarko sa buong kapuluan at naglalayong patampukin ang mga karapatan at kapakanang pang-Marino! Nabuo ang samahang ito noong kasagsagan ng pandemyang pinaigting pa ng palpak na programa ng administrasyon na siyang pumaypay sa krisis pangkalusugan, pang-ekonomya, at pangkarapatan na nararanasan

ng ordinaryong Pilipino, lalo na ng mga Marino. Nawalan ng trabaho ang karamihan bukod pa sa ibang walang istableng security of tenure buhat ng kabi't kabilang mass entrenchment ng mga shipping companies. Dahil sa kawalan ng batas para sa proteksyon ng mga Marino hindi lamang sa kalusugan at kapakanan, wala rin kaming katiyakan sa aming mga trabaho. Kaya naman tinayo ang Concerned Seafarers of the Philippines hindi lamang para magtulungan sa kabuhayan at kalusugan sa gitna ng pandemya, para rin ilantad ang kainutulin ng gobyernong walang programa para sa tumbayan at ang nabubulok na sistemang dapat nang baguhin para kamtin ang mga karapatan at kapakanang pang-Marino! SUMAPI SA CONCERNED SEAFARERS OF THE PHILIPPINES! MAG-SIGN UP DITO: https://forms.gle/QFbdHALFMwdxcUFZ9

28/07/2026

Nakikiisa ang Kilusang Bayan Kontra Kurakot (KBKK) sa panawagan na agarang palayain ang 51 aktibistang anti-korapsyon (kasama ang ilang kabataang sinasabing nagpinta ng “F**k corruption!” at “MERALCO Sindikato” at iba pang mapanuring pahayag kaugnay ng mga karaniwang hinaing ngayon ng mamamayan) na inaresto ng pulis kahapon.

Nakita rin namin ang mga video ng marahas na pagtatangka ng ilang pulis na arestuhin ang isang raliyistang senior citizen na halos mahubaran na ng damit at nakasalampak na pero pilit hinihila ng isang pulis. Bukod dito, kahapon ng umaga ay hinarang ng LTO at PCG ang ilang sasakyan ng mga magsasaka at manggagawang bukid mula sa Hacienda Luisita, Tarlac na papunta sa SONA ng Sambayanan 2026. Hindi dapat hadlangan ang malayang pagpapahayag at pagtitipon ng mga mamamayan kaugnay ng makatwirang hinaing lalo pa sa isang bansang itinuturing ang sarili na malaya at demokratiko.

Sa SONA ng Sambayanan 2026 ay nagsama-sama ang iba’t ibang grupo para muling bigyang-diin ang ating mga panawagan at pagsusuri kaugnay ng nagpapatuloy na kahirapan, korapsyon, kawalang-pananagutan, at pagsusunud-sunuran ng ating mga pinuno sa mga dambuhalang korporasyon at mga makapangyarihang bansa na ang interes ay taliwas sa interes ng sambayanang Pilipino. Kaugnay nito, nais nating ipahayag ang komento sa ilang bahagi ng talumpati sa State of the Nation (SONA) kahapon:

1.Kaugnay ng flood control scam inanunsyo ni Marcos ang patong-patong na kaso na isasampa laban sa kanyang pinsang dating House speaker. Lubhang naantala na ito. Kailan naman kaya kakasuhan ang mga opisyal ng Gabinete, iba pang senador, at mga kongresista na dawit sa scam?

2.Naibalik na raw sa kaban ng bayan ang mahigit 800 milyong piso mula sa mga kontraktor at opisyal na sangkot sa flood control pero kailan magsasampa ng civil forfeiture cases para aktwal na mabawi na rin at maibalik sa bayan ang 25 bilyong pisong “frozen at napreserbang mga pera at ari-arian ng mga akusado.” Kailangan ding malaman natin paano ito gagastusin o saan ilalaan.

3.Ipinagyayabang ni Marcos ang transparency portal kung saan makikita daw ang impormasyon sa bawat proyekto ng gobyerno pero halos wala namang papel ang publiko sa pagbabalangkas ng plano at pagdedesisyon sa kung ano-anong proyekto ang uunahin at gagawin.

4.Ang mga ipinagyabang na aksyon para maibsan ang hirap ng mga kababayan dulot ng mataas na presyo ng produktong petrolyo, kuryente, bigas at iba pa ay hindi naman ramdam ng nakararaming Pilipino.

5.Ang pondo para sa ayudang gaya ng TUPAD, AICS, at MAIFIP ay totoo namang nakakatulong nang kagyat sa mga pinaka-nangangailangang kababayan natin pero noon pa rin natin sinasabi na ang mga ito ay pansamantalang tapal-tapal o Band-Aid solution sa malalang problema ng kawalan ng nakabubuhay na sahod at/o pagkukunan ng ikabubuhay ng mga pamilya. Kung maayos ang trabaho at kabuhayan, hindi kailangan ng ayuda kung inuuna ng gobyerno ang paglutas sa mga ugat ng kahirapan. Dapat ding bigyang-diin na ang mga programang ayuda ay matagal nang pinupuna dahil sa korapsyon, problema sa distribusyon, at pagpapalala sa patronage politics o kultura ng utang na loob sa politiko.

6. Sa simula pa lang ng 2026 ay kasama na sa panawagan ng KBKK ang pagpapababa ng buwis kaya mainam na nabanggit ito sa SONA, pero Barat, Barya, at Makunat ang panukala ni Marcos na itaas sa 350,000 piso lamang (lagpas 29,000 piso lang kada buwan) mula sa 250,000 ang taunang kita na walang buwis, samantalang sa Tax Reform Act for Middle-Income Earners (TRAM) ni ACT Teachers Partylist Rep. Tonchi Tinio, Gabriela Rep. Sarah Elago, at Kabataan Partylist Rep. Renee Co ay 500,000 piso ang panukala at sa KITA Bill naman ni Keep Incomes Tax-Relieved and Augmented (KITA) Act ni Rep. Leandro Leviste ay 650,000 piso ang nakalagay. Walang tugon sa matagal na ring panawagan na pagtanggal ng indirect tax na pabigat sa lahat lalo na sa mga karaniwang mamamayan tulad ng 12% VAT sa lahat ng gamot, pagkain, produktong petrolyo, at serbisyong kuryente, tubig, internet at iba pa.

7.Kaugnay ng patakarang importasyon ng bigas sa ilalim ng Rice Tarrification Law (RTL), dapat ipaalala sa lahat na noong kampanya ay ipinangako ni Marcos na pansamantalang ipapatigil ang RTL para matulungan ang mga magsasaka natin na natatalo sa imported. Ang patakarang walang limitasyong importasyon ng bigas ay hindi lamang nakasama sa mga magsasaka natin kundi maaari ring maging mitsa ng korapsyon dahil ang pribadong sektor ay maaaring makipagsabwatan sa mga opisyal para makapag-import ng mas maraming bigas nang hindi magbabayad ng tamang taripa o buwis.

8.Ipinagyabang ni Marcos ang pangako ng pribadong sektor na magtayo ng libu-libong silid-aralan pero kulang na kulang at ni hindi mapapangalahati ang kasalukuyang kakulangan sa klasrum na aabot na sa 166,000. Hindi ba’t obligasyon ng gobyerno na pondohan iyan. Kung hindi sana ninanakaw ang pera at kung hindi sana bilyon-bilyong piso ang confidential at intelligence funds ni Marcos at iba pang opisyal, baka mas magkaroon ng badyet para sa edukasyon, kalusugan, pabahay, transportasyon, dagdag-pensyon at iba pa.

9.Nag-anunsyo ng amnestiya para sa di nabayarang estate tax (buwis sa manang ari-arian) si Marcos. Noong 2022, kinumpirma ng BIR na nagpadala sila ng demand letter sa pamilya Marcos para singilin ang halos 203 bilyong pisong estate tax. Nabayaran na ba yan ng mga Marcos? Kung hindi pa ay klarong conflict of interest ang anunsyong amnestiya: polisiya na makikinabang ang kanyang pamilya mismo! Isang halimbawa ng paggamit ng kapangyarihan para makinabang ang sarili at pamilya.

10.Ipinahayag din ni Marcos ang pagpasok ng gobyerno sa proyektong Pax Silica na pinangingibabawan ng US at panukalang paggamit ng enerhiyang nukleyar. Hinggil sa Pax Silica, dapat bigyang-diin na ang palasukong posisyon ng gobyerno ni Marcos na nag-alok kaagad ng libre o walang rentang paggamit sa 2 taon sa 4,000 acres ng teritoryo ng Pilipinas (sa Tarlac) para pagtayuan ng Pax Silica Hub kahit na wala pang pinal na kasunduan hinggil sa mga kondisyon ng Pax Silica, na tiyak na hahantong sa pagiging maka-isang panig o di patas ng pinal na kasunduan. Ang interes ng US ay taliwas sa interes ng mga Pilipino, lalo na ng mga magsasaka at katutubo na napalayas o mapapalayas pa sa mga komunidad sa Tarlac at iba pang bahagi ng Gitnang Luzon, sa mga komunidad at kalikasang mawawasak dahil sa walang habas na pagmimina, at sa mga mamamayang lalong makakaranas ng kakulangan sa suplay ng tubig at mabibiktima ng mas mataas na presyo ng kuryente. Dahil ang mga detalye ng usapan sa Pax Silica ay hindi isinasapubliko at ni hindi rin natatalakay sa Kongreso at Senado, malaki ang posibilidad na may mga kaliwaan o backroom deals na maganap na iilang politiko, opisyal, korporasyon, at makapangyarihang bansa lang ang makikinabang. Kaugnay naman ng panukalang paggamit ng enerhiyang nukleyar, dapat tandaan na ang ama ni Pres. Marcos Jr. na si Marcos Sr. at ang kroni niya na si Herminio Disini ay nakapagbulsa ng tinatayang kabuuang 6.7 bilyong pisong kickback mula sa korporasyong nagtayo ng Bataan Nuclear Power Plant na sambayanan ang nagdusa sa pagbabayad ng 64.7 bilyon pisong utang at interes sa utang kaugnay ng nasabing proyekto. Hindi na muli! Never again!

25/07/2026
25/07/2026
21/07/2026

lumalawak!

Address

#4 Oxford Street
Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Concerned Seafarers of the Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share