24/08/2026
QCitizens, alam ba ninyo kung ano ang ibig sabihin ng salitang “sigaw” sa Sigaw ng Pugad Lawin?
Tumutukoy ang “Sigaw” sa makasaysayang pangyayari kung saan hayagang tinanggihan ng mga Katipunero ang pamamahala ng mga Espanyol at nagpasyang ipaglaban ang kalayaan sa pamamagitan ng himagsikan.
Ngayong ika-130 anibersaryo ng Sigaw ng Pugad Lawin, sama-sama nating gunitain ang mga aral ng ating kasaysayan tungo sa isang bansang maunlad at mapayapa.