Sangguniang Kabataan ng Brgy. Dampol 2nd B 2023-2026

Directions

Sangguniang Kabataan ng Brgy. Dampol 2nd B 2023-2026 Ito ang opisyal na pahina ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Dampol 2nd B Pulilan, Bulacan.

Pagbati at Maligayang Pagtatapos!🎓✨Taos-pusong pagbati kay Hon. Liezel Ann Soriano Balmaceda, SK Kagawad, na nagtapos sa...
06/08/2026

Pagbati at Maligayang Pagtatapos!🎓✨

Taos-pusong pagbati kay Hon. Liezel Ann Soriano Balmaceda, SK Kagawad, na nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship mula sa Richwell Colleges, Inc.

Tunay kang ikinararangal ng Dampol 2nd B at Dampolenyo. Nawa'y patuloy kang maging inspirasyon sa bawat kabataan na abutin ang kanilang mga pangarap kasabay ng paglilingkod sa ating bayan at pagpapahalaga sa edukasyon.

Pagbati at ika’y tunay na kayamanan ng ating barangay!💚



𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨 𝟐𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐒𝐊 𝐃𝐚𝐦𝐩𝐨𝐥 𝟐𝐧𝐝 𝐁 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐏𝐚𝐧𝐭𝐫𝐲Sustansya at Kalusugan, Sagot ng SK 'Yan! 🥕🥗🥬300 Kabataang Dampolenyo a...
03/08/2026

𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨 𝟐𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐒𝐊 𝐃𝐚𝐦𝐩𝐨𝐥 𝟐𝐧𝐝 𝐁 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐏𝐚𝐧𝐭𝐫𝐲

Sustansya at Kalusugan, Sagot ng SK 'Yan! 🥕🥗🥬

300 Kabataang Dampolenyo ang nabigyan ng sariwa at masustansyang gulay sa matagumpay na "Oh May Gulay!" Community Pantry bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon 2026.

Taos-pusong pasasalamat sa Sangguniang Barangay ng Dampol 2nd B at sa lahat ng mga tumulong at nakiisa upang maging matagumpay ang programang ito. Sama-sama nating isinusulong ang mas malusog na komunidad!💚💪🏻

SK CHAIRPERSON
🌾Diane Claire Esguerra Dela Cruz

SK COUNCILORS:
🌾Kristele Esguerra
🌾Samuel Sonie Paz
🌾Luis Mario De Jesus
🌾Marjim Esguerra
🌾Geeyan Rashley De Jesus
🌾Liezel Ann Balmaceda
🌾Mart Prince Roxas

SK SECRETARY:
🌾Raven Juma-oas

SK TREASURER:
🌾Maria Celine Tapican




26/07/2026

Oh May Gulay!: SK D2B Community Pantry🍆🥕🥬🌽

𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐆𝐮𝐥𝐚𝐲 Inaanyayahan namin ang lahat ng kabataang may edad 15–30 taong gulang ...
25/07/2026

𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐆𝐮𝐥𝐚𝐲

Inaanyayahan namin ang lahat ng kabataang may edad 15–30 taong gulang na makiisa sa ating Pamamahagi ng mga Gulay bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, ngayong Hulyo 26, 2026, alas 1:00 ng hapon sa Barangay Hall.

📍 Lugar: Barangay Hall
🕐 Oras: 1:00 ng hapon
👥 Para sa: Mga kabataang edad 15–30 taong gulang

Paalala:
✅ Magdala ng photocopy (xerox copy) ng inyong valid ID upang makakuha ng mga gulay.

Sama-sama nating ipagdiwang ang Buwan ng Nutrisyon sa pamamagitan ng pagtataguyod ng masustansyang pagkain at pagkakaisa sa ating komunidad. Kita kits, Dampolenyos!

DANGAL NG DAMPOLENYO💚🏅College Graduates Batch 2026Inaanyayahan ang mga Kabataang Dampolenyo na College Graduates Batch 2...
23/07/2026

DANGAL NG DAMPOLENYO💚🏅
College Graduates Batch 2026

Inaanyayahan ang mga Kabataang Dampolenyo na College Graduates Batch 2026 na magfill-out sa Google form upang makuha ng Sangguniang Kabataan ng Dampol 2nd B ang inyong impormasyon para sa pagkilala ng inyong tagumpay. Ang pag-fill out sa Google form ay bukas lamang mula ika-23 ng Hulyo hanggang ika-8 ng Agosto 2026.

Maaaring i-scan ang QR code or i-click ang Google form link:
https://forms.gle/6GQoM1Dpxtd3Rca9A

Ang Dangal ng Dampolenyo ay programa ng Sangguniang Kabataan ng Dampol 2nd B na naglalayong bigyang pagkilala ang mga Kabataang Dampolenyo na nakapagtapos sa kolehiyo.

Marapat na bigyang pagkilala ang kanilang talino, husay, at sakripisyo sa larangan ng edukasyon. Tunay na inspirasyon sa bawat kabataan at ating minamahal na barangay.🫡

Pagbati, mga Dangal ng Dampolenyo! Patuloy na maging inspirasyon sa iba.🥳🙌🏻

SK CHAIRPERSON
🌾Diane Claire Esguerra Dela Cruz

SK COUNCILORS:
🌾Kristele Esguerra
🌾Samuel Sonie Paz
🌾Luis Mario De Jesus
🌾Marjim Esguerra
🌾Geeyan Rashley De Jesus
🌾Liezel Ann Balmaceda
🌾Mart Prince Roxas

SK SECRETARY:
🌾Raven Juma-oas

SK TREASURER:
🌾Maria Celine Tapican





DAMPOLENYO EDUKADO📚💡SK Dampol 2nd B Educational Assistance 2026💡60 iskolar mula sa Senior High School💡100 iskolar mula s...
19/07/2026

DAMPOLENYO EDUKADO📚💡
SK Dampol 2nd B Educational Assistance 2026

💡60 iskolar mula sa Senior High School
💡100 iskolar mula sa College

Requirements:
✏️Certificate of Registration S.Y. 2026-2027 (1 original copy, 1 photocopy)
✏️Photocopy of latest school ID with 3 wet signatures (2 copies)
✏️Barangay Indigency (1 original copy, 1 photocopy)
✏️Hand written letter addressed to SK Chairperson Diane Claire E. Dela Cruz (1 original copy, 1 photocopy)

Reminders:
📖Ilagay ang mga requirements sa long brown envelope. Isulat ang buong pangalan at grade level.

📖Ipasa ang requirements mula ika-20 ng Hulyo hanggang ika-8 ng Agosto 2026. Ilagay ang inyong requirements sa inilaang drop box na matatagpuan sa harap ng SK office sa Daang Esguerra. Hiwalay ang SHS at college.

📖Itala ang iyong pangalan sa listahan ng aplikante ng mga nakapagpasa ng requirements.

📖Bawat isang pamilya ay isang benepisyaryong mag-aaral lamang ang makakatanggap.

Ang lahat ng ito ay batay sa Kapasiyahan Blg. 09 Serye 2024 Kapasiyahan sa mga Alituntunin ng Pagbibigay ng Educational Assistance sa mga Kabataang Dampolenyo.

📝First come, First serve policy.
📝Incomplete requirements, no guaranteed slot.

SK CHAIRPERSON
🌾Diane Claire Esguerra Dela Cruz

SK COUNCILORS:
🌾Kristele Esguerra
🌾Samuel Sonie Paz
🌾Luis Mario De Jesus
🌾Marjim Esguerra
🌾Geeyan Rashley De Jesus
🌾Liezel Ann Balmaceda
🌾Mart Prince Roxas

SK SECRETARY:
🌾Raven Juma-oas

SK TREASURER:
🌾Maria Celine Tapican






BOY/GIRL OFFICIALS, ANO TARA?👧🏻👦🏻🇵🇭Inaanyayahan ang mga Kabataang Dampolenyo na maging bahagi ng Boy/Girl Officials ng B...
06/07/2026

BOY/GIRL OFFICIALS, ANO TARA?👧🏻👦🏻🇵🇭

Inaanyayahan ang mga Kabataang Dampolenyo na maging bahagi ng Boy/Girl Officials ng Barangay Dampol 2nd B ngayong taon. Layunin nito na mahubog ang kanilang kakayahan sa pamumuno at makisangkot sa komunidad.🫡

ANO: Boy/Girl Officials Election Day
SINO: Mga Kabataang Dampolenyo na may edad 13 hanggang 17 taong gulang
KAILAN: Hulyo 12, ika-4 ng hapon
SAAN: Barangay Hall ng Dampol 2nd B

Upang ikumpirma ang inyong pagsali at paglahok sa election day ay kinakailangang sagutan ang Google form sa ibaba.
Link: https://forms.gle/1nmi3V4fJ55TKYGp7

Ang mga itatanghal na nagwagi sa election day ay may pagkakataong mamuno base sa posisyon na kanilang naipanalo. Sila rin ay bibigyan ng pagkakataong manguna sa programa ng Sangguniang Kabataan sa darating na pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan.🙌🏻

Ang mga magiging Boy/Girl Officials Dampol 2nd B ay lalahok din sa election day na isasagawa sa Munisipyo ng Pulilan.

Tara na, Kabataang Dampolenyo. Maraming salamat po!💚✨



𝑺𝒂 𝑷𝒖𝒍𝒊𝒍𝒂𝒏, 𝒅𝒂𝒑𝒂𝒕 𝑺.𝑨.𝑭.𝑬. 𝒂𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒓𝒂𝒍 | 𝗦𝗮𝗳𝗲 𝗔𝗻𝗱 𝗙𝗼𝘀𝘁𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝘀𝗮 𝗘𝗦𝗞𝘄𝗲𝗹𝗮  ☮️Bilang bahagi ng Project S.A.F.E....
30/06/2026

𝑺𝒂 𝑷𝒖𝒍𝒊𝒍𝒂𝒏, 𝒅𝒂𝒑𝒂𝒕 𝑺.𝑨.𝑭.𝑬. 𝒂𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒓𝒂𝒍 | 𝗦𝗮𝗳𝗲 𝗔𝗻𝗱 𝗙𝗼𝘀𝘁𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝘀𝗮 𝗘𝗦𝗞𝘄𝗲𝗹𝗮 ☮️

Bilang bahagi ng Project S.A.F.E., isang pinagsamang adbokasiya ng Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Pulilan, magsasagawa tayo ng mga school visits sa iba't ibang pampublikong paaralan sa ating bayan upang magbahagi ng mahahalagang kaalaman at magsulong ng mga programang nakatuon sa:

- Kaligtasan sa Paaralan
- Mental Health Awareness
- Pag-iwas sa Bullying at Cyberbullying
- Peacebuilding at Paglinang ng Kultura ng Paggalang
- Kabuuang Kapakanan at Kagalingan ng Kabataan

Sa pagtutulungan ng mga Sangguniang Kabataan, Lokal na Pamahalaan ng Pulilan, paaralan, mga magulang, at ng buong komunidad, naniniwala tayong mas makabubuo tayo ng isang ligtas, inklusibo, at makataong kapaligiran para sa bawat mag-aaral.



Pagbati at Maligayang Pagtatapos!🎓✨Taos-pusong pagbati kay SK Treasurer Ma. Celine Ocay Tapican na nagtapos sa kursong B...
11/06/2026

Pagbati at Maligayang Pagtatapos!🎓✨

Taos-pusong pagbati kay SK Treasurer Ma. Celine Ocay Tapican na nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Accounting Information System mula sa Bulacan State University.

Tunay kang ikinararangal ng Dampol 2nd B at Dampolenyo. Nawa'y patuloy kang maging inspirasyon sa bawat kabataan na abutin ang kanilang mga pangarap kasabay ng paglilingkod sa ating bayan at pagpapahalaga sa edukasyon.

Pagbati at ika’y tunay na kayamanan ng ating barangay!💚



LIBRENG PAG-AARAL SA ALS – ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM📚May pag-asa, kaya ENROLL NA!✨Ang ALS Pulilan District ay tumatang...
13/05/2026

LIBRENG PAG-AARAL SA ALS – ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM📚

May pag-asa, kaya ENROLL NA!✨

Ang ALS Pulilan District ay tumatanggap ng enrollees para sa:

ELEMENTARY LEVEL
Edad 13 pataas

JUNIOR HIGH SCHOOL LEVEL
✨Edad 16 pataas

Mga Kailangang Dalhin:
✨Photocopy ng Birth Certificate
✨FORM 137

Para sa iba pang katanungan, maaaring makipag-ugnayan kina:
✨Joselito S. Salonga – 0933-393-9537
✨Ma. Leila F. Martin – 0992-605-4565
✨Cleah Kate P. Canilang –0964-189-7465

Magsimula ngayon para sa mas matagumpay na bukas. Enroll na!💚📖

Address

Dampol 2nd B
Pulilan
3005

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Brgy. Dampol 2nd B 2023-2026 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share