17/06/2025
Magandang araw po sa lahat ng miyembro ng IBAI,
Gusto po naming ipaabot ang isang mahalagang paalala na kailangan po nating magsumite ng mga dokumentong magpapatunay ng pagmamay-ari ng inyong lote—gaya ng Waiver of Rights o proof of purchase kung binili po ninyo ang inyong lote.
Hinihikayat po namin kayo na makipag-ugnayan sa kahit sinong opisyal ng IBAI para ipaalam kung kailan kayo makakapag-submit ng inyong documents. Importante po ito para maging maayos, mabilis, at may proper record ang buong proseso para sa bawat miyembro.
Ipinapaalam din po namin na kami po ay nagtungo kahapon sa City Mayor’s Office at nagsumite ng official letter at resolution, bilang tugon sa request ni Gng. Nancy Pedrosa.
Kung kayo po ay may questions or concerns tungkol sa inyong lote, we encourage you to participate sa mga hakbangin ng ating asosasyon. Ang inyong pakikiisa ay napakahalaga para sa kabuuang kapakanan ng lahat.
Maraming salamat po sa inyong cooperation at suporta.
Lucelyn L Dalde
President, IBAI Ville Homeowners Assn. Inc.