06/10/2025
TULONG AT PAGKAKAISA PARA SA KAPAYAPAAN | BRGY. SAMARIÑANA, BROOKE’S POINT, PALAWAN
Isinagawa ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) katuwang ang Mata ng Bayan Pilipinas Federation Inc., sa tulong ng Provincial Peace and Security Cluster (PPSC) – Palawan, at sa pakikipagkaisa ng Buklod Kapayapaan Federation, ang initial data gathering ng mga katutubong nagbalik-loob sa pamahalaan matapos malinlang ng CPP-NPA-NDF. 🤝🇵🇭
Layunin ng aktibidad na ito na maging panimulang hakbang para sa Reintegration at Transformation Program ng OPAPRU, na naglalayong magbigay ng tulong, kabuhayan, at gabay sa mga dating naligaw ng landas tungo sa mapayapa at produktibong pamumuhay.
Ang Mata ng Bayan Pilipinas at Buklod Kapayapaan FR Federation ay patuloy na nakikiisa sa mga programa ng pamahalaan na nagsusulong ng kapayapaan, pagkakaisa, at katotohanan para sa isang insurgency-free Palawan.
Ang nasabing aktibidad ay bilang pakikiisa sa patuloy at pananatili ng insurgency-free status ng Lalawigan ng Palawan—patunay ng matatag na kooperasyon ng mga pamahalaang lokal, mga ahensya ng gobyerno, mga katutubong komunidad, at mga mamamayan para sa kapayapaan at kaunlaran.