PLEASE Inc.

PLEASE Inc. "We take the LEAD, to Win a FRIEND, to SERVE the Community & Protect/Conserve the Environment" PLEASE

05/10/2025

Nagising na po muli ang PLEASE Inc. at muling magiging tulay ito ng ating Kalikasan para magsilbi muling TINIG ng Kapaligiran!

Padayon po sa ating lahat, para sa ating nalalabing MUNDO na kailangatan ingatan, protektahan, at pangalagaan na tanging alay natin sa mga susunod na bata, bata, at bata ng DAIGDIG.🌍

ALAMIN ANG DOKUMENTASYON UKOL SA KALIKASAN NG PALAWAN SA DELIKADO.
20/09/2025

ALAMIN ANG DOKUMENTASYON UKOL SA KALIKASAN NG PALAWAN SA DELIKADO.

PALAWAN, DELIKADO film. In case you missed it, here's a link to watch it for free! But you have to be among the 1st 1,000 registrants, so please register asap. When we were filming this documentary, the common theme's that emerged were injustice and impunity, but on watching it, the concepts of betrayal and pride become more evident. If you've seen it already, and delighted yourself with the hope it exudes as an environmental film, then it demands a second viewing to reveal it being deeply spiritual. For to separate conservation efforts from meaningful recourse to the divine diminishes our hope at preserving the resource, because prayer not only sustains, it emboldens. And what better way to protect it, than by invoking the One who created it in the first place. To save it, we need to be led, be sent, and be Christ. - atty. bobby chan
http://bit.ly/delikadokinema

TODAY'S ECONCERN AT ECO BALITA SEPT. 6. 2025Kaabang-abang ang balitang ito, at isa ito sa ating pinapangarap na mangyari...
06/09/2025

TODAY'S ECONCERN AT ECO BALITA SEPT. 6. 2025

Kaabang-abang ang balitang ito, at isa ito sa ating pinapangarap na mangyari noon pa ang pagpapa-igting at pagbibigay pangil sa Ordinansa ng Lunsod ukol sa City Ordinance ng Anti Littering at sama maisama na din po Kagawad Hegedorn ang City Ordinance Number 993 on Single-Use-Plastic and Styrofoam Regulation in Puerto Princesa City po.

Maraming salamat po sa inyong inisyatiba ukol dito, lubos na kahanga-hanga at wagas na tunay para sa kalinisan ni Princesa!

MAS ISTRIKTONG KAMPANYA KONTRA BASURA, HILING NG ISANG KONSEHAL

Nanawagan si Konsehal Patrick Alex M. Hagedorn para sa mas istriktong pagpapatupad ng Anti-Littering Ordinance o City Ordinance No. 163-91 sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Sa ilalim ng kanyang Draft Resolution No. 126-2025, hiniling niya sa Oplan Linis Program, City Traffic Management Office (CTMO), at City Environment and Natural Resources Office (CENRO) na paigtingin ang implementasyon ng ordinansa upang mapanatili ang kalinisan ng lungsod.

Kabilang sa mga iminungkahing hakbang ang pagdagdag ng mga tauhan sa mga lugar na madalas tambakan ng basura, paglalagay ng mga babala o signages, mas mahigpit na pagpataw ng multa, at pagpapatupad ng mas pinaigting na kampanyang pang-edukasyon para sa publiko.

Nakasaad sa naturang ordinansa na ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa mga pampublikong lugar.

Ang mga lalabag ay maaaring pagmultahin mula ₱200 hanggang ₱1,000 at posibleng makulong.

Naipasa na sa unang pagbasa ang resolusyon at nakatakdang pag-usapan sa Committee on Environment para sa mas malalim na deliberasyon.


TINIG NG KALIKASAN:Ating Mahalin at Pangalagaan ang ating Yamang Kagubatan (PUNO), dahil ito ay Itinuturuing na napakaha...
03/08/2025

TINIG NG KALIKASAN:

Ating Mahalin at Pangalagaan ang ating Yamang Kagubatan (PUNO), dahil ito ay Itinuturuing na napakahalaga at mayroong MAHALAGANG LIMANG B ANG KAGUBATAN:

1. BAGA ng Mundo;
2. BANGA ng Daigdig;
3. BENTILADOR ng Lipunan; at
4. BAHAY o TAHANAN ng Sanlaksang Buhay ng Sansinukob; at
5. BAGSAKAN NG DUMI "LABABO" ng Mundo

Isinulat ni: EdongDugong SaDagat Magpayo

(ang Larawang ito ay Nagmula sa FB Account ni Kapatid na Evageline Aquino)

TINIG NG KALIKASAN:Ni: Edilberto Magpayo a.k.a EdongDugong SaDagat MagpayoBilang isang mamamayan ni Princesa malaking Ka...
01/03/2025

TINIG NG KALIKASAN:
Ni: Edilberto Magpayo a.k.a EdongDugong SaDagat Magpayo

Bilang isang mamamayan ni Princesa malaking Karangalan ang manomina at mabigyan ng isang pagkilala at maging bahagi ng Mayor's Award for Environment Protection ngayong March 3. 2025 na gagawin sa City Coliseum para sa aking naging inisyatiba na Lingkod at Serbisyong Kalikasan ang "Ayaw ni Princesa ng Single Use Plastic".

Maraming Salamat po aming Kagalang-galang Mayor Lucilo R. Bayron sa Pagkilalang ito para sa Pangagalaga at Pagprotekta ng ating Kalikasan gayundin po ang "Information Education and Communication (IEC) campaign para sa pagpapataas ng Kamalayan ng ating mga Kababayan sa usapin ng pa-iwas, at pagbawas sa paggamit ng Single Use Plastic (SUP) sa Mahal nating Puerto Princesa City. Gabay ang City Ordinance Number 993 on Single-Use-Plastic and Styrofoam Regulation in Puerto Princesa City, Palawan, Philippines.

Maraming Salamat po sa nagnomina sa akin, ang Tanggapan ng City ENRO Puerto Princesa wagas na pasasalamat sa kapwa natin Tinig, Mata at Kamay ng Kalikasan!

DENR Mimaropa Philippines Biodiversity Conservation Foundation, Inc. (PBCFI) Biodiversity Conservation Society of the Philippines Denr Cenro Taytay Palawan Palawan Council for Sustainable Development Palawan NGO Network Inc. Palawan News Renato Lopez Marlene Jagmis Niña Tolentino Santos

23/02/2025
22/02/2025

Tumpak Kapatid at aming FUTURE Kagawad Joaquin Philippe Ortega at yan ang madalas ko ding marinig sa kaniya o sa iyong Ama noong nasa Kolehiyo ako at kapag nagiging bisita ako sa kanilang "Radio Program" sa DYPR.

tunay na DAPAT talagang Ingatan at Pahalagahan ang Kalikasan para SAPAT sa ating lahat sa Panghinaharap.

Sapagkat tayo ay lubos na nilikhang MAGKAKAUGNAY, isang parteng kasiraan apektado ang sangkatauhan!

Mahalin at Pakaingatan ating LUNTIGHAW (Luntian at Bughaw) na Daigdig! 💚🌎💙

Ni: Edilberto Magpayo a.k.a EdongDugong SaDagat Magpayo at TaongKahoy SaGubat

Address

Puerto Princesa
#5300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PLEASE Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PLEASE Inc.:

Share