10/06/2026
"Ako po ay talagang naniniwala na ang ating mga sundalo ay disiplinado and very professional." - GEN ROMEO S BRWNER JR PA, Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines.
Sa gitna ng iba't ibang usaping pampulitika, muling pinagtibay ng Armed Forces of the Philippines ang katapatan nito sa Konstitusyon at sa sambayanang Pilipino.
Binigyang-diin ng pamunuan ng AFP na hindi mandato ng sandatahang lakas ang makialam sa pulitika. Sa halip, nananatili itong nakatuon sa tungkuling pangalagaan ang seguridad ng bansa at suportahan ang mga demokratikong institusyon.
Nilinaw rin ng AFP na walang katotohanan ang mga haka-haka at maling impormasyon na nagsasabing may pagkakahati o pagtalikod sa tungkulin ang hanay ng militar. Patuloy ang kanilang monitoring at koordinasyon sa lahat ng antas ng organisasyon, at sa kasalukuyan ay wala silang nakikitang banta mula sa loob ng kanilang hanay.
Ang AFP ay nananatiling isang nagkakaisa, disiplinado, at propesyonal na institusyon, nakatuon sa paglilingkod sa bayan, paggalang sa demokratikong proseso, at pagtatanggol sa Republika ng Pilipinas.
Video courtesy to PTV News