17/08/2026
❤️
Mayad nga adlaw!
Noong privilege speech natin, pinili nating magsalita sa wikang Cuyonon bilang pagpupugay sa wika, kultura, at pagkakakilanlan ng ating mga kababayang Palaweño.
Kahapon, pormal nating inihain ang 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗥𝗲𝘀𝗼𝗹𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗡𝗼. 𝟭𝟯𝟲𝟱, 𝗻𝗮 𝗸𝘂𝗺𝗶𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗖𝘂𝘆𝗼𝗻𝗼𝗻 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗮𝗻𝗱 𝗹𝗶𝗻𝗴𝘂𝗶𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗵𝗲𝗿𝗶𝘁𝗮𝗴𝗲 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀.
Sa ilalim ng resolusyon, layunin nating suriin sa Kongreso ang mga kasalukuyang programa at polisiya para sa preservation at promotion ng Cuyonon, at tukuyin kung ano pa ang maaaring gawin upang patuloy itong magamit, mapag-aralan, at mapangalagaan.
Buhay at patuloy na ginagamit ang Cuyonon. Sa katunayan, ayon sa PSA, ito ang pangalawang pinakaginagamit na wika sa mga tahanan sa MIMAROPA, kasunod lamang ng Tagalog.
𝗞𝗮𝘆𝗮 𝗵𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘄𝗶𝗸𝗮, 𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁𝗶𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻, 𝗶𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶, 𝗮𝘁 𝗶𝗽𝗮𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝘀𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝗵𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻. 𝗗𝗶𝘁𝗼 𝗿𝗶𝗻 𝗻𝗮𝗶𝗽𝗮𝗽𝗮𝘀𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝘂𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼, 𝗸𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮, 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗻𝗹𝗮𝗻 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼.
𝗠𝗮𝘁𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁!