15/06/2026
Maraming-maraming salamat, City Government of Puerto Princesa, sa pangunguna ng ating City Mayor, Lucilo R. Bayron!
#๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐๐ง๐ ๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง || ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐
๐๐ฎ๐ง๐ ๐๐, ๐๐๐๐
Mas magiging maayos, ligtas, at angkop para sa pagkatuto ang kapaligiran ng mga mag-aaral ng Puerto Princesa City National Science High School (PPCNSHS) matapos pormal na pasinayaan at i-turn over ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa ang bagong dalawang palapag na gusal para sa nasabing institusyon.
Pinangunahan ni City Mayor Lucilo R. Bayron ngayong araw ang turnover ceremony kasama ang mga opisyal ng lungsod at mga kinatawan ng sektor ng edukasyon bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lungsod na mapalakas ang mga pasilidad pang-edukasyon at matugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga mag-aaral sa lungsod.
Malaki ang magiging ambag ng bagong gusali sa pagpapabuti ng learning environment sa PPCNSHS, partikular para sa mga mag-aaral ng Grade 7. Sa pagkakaroon ng mas maluwag, komportable, at modernong mga silid-aralan, inaasahang higit na mapapahusay ang kanilang pagkatuto at akademikong pagganap, lalo na sa larangan ng agham, teknolohiya, at pananaliksik.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Bayron ang kahalagahan ng agarang paggamit ng mga proyektong nakalaan para sa edukasyon upang agad na mapakinabangan ng mga mag-aaral at makatulong sa kanilang pag-unlad.
Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga kinatawan ng Department of Education at pamunuan ng paaralan sa patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang pang-edukasyon at sa pagpapaunlad ng mga pasilidad na nagsisilbing pundasyon ng dekalidad na pagkatuto.
Higit pa sa isang bagong gusali, ang proyekto ay isang mahalagang pamumuhunan para sa kinabukasan ng mga kabataang Puerto Princesan. Sa pamamagitan ng patuloy na pagpapaunlad ng mga imprastraktura sa edukasyon, mas nabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na matuto sa isang kapaligirang ligtas, maayos, at nakatutugon sa kanilang mga pangangailangan.
Patunay ang proyektong ito ng patuloy na pangako ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa na gawing prayoridad ang edukasyon at maglaan ng mga pasilidad na makatutulong sa paghubog ng susunod na henerasyon na magmamana ng progresibong Puerto Princesa.