30/12/2024
RIZAL DAY 2024
Sya ang may akda at sinabing,
Kabataan ang Pag-asa ng Bayan,
Ngunit na saan ng ba ang mga kabataan?
Kilala pa kaya nila ang mga Bayani ng ating Bansa?
Alam pa kaya nila ang istorya?
Kung panu tayo lumaya sa kamay ng Banyaga?
Alam pa kaya nila gamitin ang sariling wika?
Na animo'y Banyaga sa sariling bansa!
Na ang alam ay kultura ng mga Banyaga,
Mapa social media, kasuotan at gawi,
Hindi makikita ang pagka Pilipino,
Mismong Pambansang awit ay di alam!
Pag tayo ng tuwid hindi magawa,
Pilipino ka bang talaga?
Oh Pilipino ka lamang sa salita,
Ngunit wala sa gawa!
Kung talagang Pilipino ka,
Ipakita mo ang pagmamahal sa iyong bansa,
Maging sa mga Bayaning nag buwis ng buhay,
Upang matubos ang iyong bansa sa mga Banyaga.
Ipakita mo na ikaw ang Kabataan na Pag-asa ng Bayan,
Mahalin mo ang sariling atin hindi ng iba,
Ipakita mo ang iyong pagmamahal at paggalang,
Sa gayon, ikaw nga ang Kabataang Pag-asa ng Bayan na sinabi nin Dr. Jose P. Rizal.
- Makatang Agila 🦅🦅
Photo courtesy: Alamy