Muslim Association of Puerto Princesa - Musapric

Call Directions Contact the organization

Muslim Association of Puerto Princesa - Musapric Puerto Princesa City Mother Islamic Organization

28/09/2026
05/09/2026

Buong linggo iniaalay mo ang oras mo sa DUNYA, pero kailan mo balak bigyan nang oras ang AKHIRAH mo?

Huwag nating hayaang lumipas ang mga araw na puro dunya lamang. Maglaan din tayo ng oras para sa ating Deen.

Sa trabaho sa negosyo sa pag-aaral, sa mga responsibilidad sa buhay. Lahat ng ito ay mahalaga pero huwag nating kalimutan ang mas mahalaga, ang pag aaral ng ating DEEN.

“Whoever follows a path in pursuit of knowledge, Allah will make easy for him a path to Jannah.”
- Prophet Muhammad ﷺ

📖 Hidayatul Islamiyyah Learning Center offers FREE MADRASAH FOR ALL AGES para sa mga bata, teens, at adults.

Libre ang pag-aaral. Libre ang kaalaman. Bukas para sa lahat. 🤲

May dedicated GC ang bawat program para sa announcements, reminders, at updates.

DM us for more info.

23/07/2026

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuh

Pabatid po sa lahat:

Bismillah,In shaa Allah ay magkaconduct po tayong muli ng cleaning sa Muslim Cemetery-Bgy.San Jose sa Darating na Sabado (July 25,2026).Hinihikayat po ang bawat isa na nais magvolunteer na magdala ng kani-kanilang mga gamit panlinis na mayroon sila katulad ng bolo,walis tingting,rake, at iba pang gamitang. Magsisimula po ang paglilinis sa ganap na 7:00AM ng umaga,in shaa Allah.Tanggapin nawa ni Allah ang ating mga pagsusumikap.Marami pong salamat wa jazakum Allahu khayran.

05/07/2026
28/05/2026

Ma shaa Allah, napakagandang khutbatu Eid'l Adha na inihatid sa atin ni Shk.Abdulnasser Jameron. Pakinggan po natin at muling pagnilayan.

28/05/2026

Alhamdulillah, talagang dumarami na ang mga Muslim sa Puerto Princesa

'lAdha2026PPC

Eid Mubarak!Alhamdulillah! Matagumpay nating naitaguyod ang Salatul Eid'l Adha.Unang-una, ang buong papuri at pasasalama...
27/05/2026

Eid Mubarak!
Alhamdulillah!
Matagumpay nating naitaguyod ang Salatul Eid'l Adha.Unang-una, ang buong papuri at pasasalamat ay sa Dakilang Maykapal na si Allah (SWT). Lubos din ang ating pasasalamat sa lahat ng mga tumulong sa iba't-ibang paraan upang maisakatuparan ang gawaing ito: sa City Government sa pangunguna ng ating butihing Mayor Lucilo Bayron at ng kanyang mga department heads na nagpahiram sa atin ng venue, power supply, sound system, at coaster na naghatid-sundo sa ilan nating mga kapatid.Maraming salamat din kay City Councilor Elgin Damasco sa pagbibigay ng meryenda at inumin para sa mga nagdarasal.Maraming salamat din po Sa City PNP sa kanilang pagservice sa mga kapatiran at pagbabantay sa ating venue upang masigurado ang kapayapaan sa buong programa.

Nagpapasalamat din tayo sa iba't ibang organisasyon at samahan ng mga Muslim: sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng NCMF-Palawan Field Office at City Muslim Affairs sa kanilang paggabay; sa pribadong sektor tulad ng Human Development Foundation sa pagpapagamit ng trapal; at sa ating mga brothers na walang sawang boluntaryong tumutulong sa bawat programa.Sa lahat po ng nag-ambag sa iba't ibang pamamaraan upang maidaos ang pagtitipong ito, maraming-maraming salamat po. Pagpalain nawa kayo ni Allah at tanggapin Niya ang ating mga sakripisyo at pagsusumikap. Ameen. 🤲

25/05/2026

Alhamdulillah,nagsimula na po kaninang umaga ang pagsasaayos ng ating Venue, in preparation para sa ating Salatul Eid'l Adha, na gaganapin sa Baseball Field,Ramon V. Mitra Sports Complex. Inuna muna natin ang mga Scaffolding ng Stage at Istaka ng ating Perimeter Fence.

Inaanyayahan po namin bukas(May 26,2025), after Maghrib, in shaa Allah, ang mga nais makiisa sa pagsasaayos ng ating venue, paglalatag ng trapal,perimeter fencing at pagsasaayos ng Stage(para sa Khatib)ang gagawin bukas. In shaa Allah.

Maraming salamat po at jazakum Allahu khayran sa lahat ng tumulong kanina. KatabAllahu ajrakum.

SALATUL EID ADHA 1447H/2026KHATEEB : SHAYKH ABDULNASSER A. JAMERON( Bachelor Degree in Shariah Law at Islamic University...
24/05/2026

SALATUL EID ADHA 1447H/2026
KHATEEB : SHAYKH ABDULNASSER A. JAMERON
( Bachelor Degree in Shariah Law at Islamic University of Madina, K.S.A)
🗓 May 27, 2026
🕰 06 : 30 am
📍Baseball Field , Ramon V. Mitra or Puerto Princesa City Sports Complex, Sta.Monica Puerto Princesa City.

SALATUL EID ADHA 1447H/2026

KHATEEB : SHAYKH ABDULNASSER A. JAMERON
( Bachelor Degree in Shariah Law at Islamic University of Madina, K.S.A)

🗓 May 27, 2026
🕰 06 : 30 am
📍Baseball Field , Ramon V. Mitra or Puerto Princesa City Sports Complex, Sta.Monica Puerto Princesa City.

Address

Puerto Princesa City
5300

Telephone

+639318851474

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Muslim Association of Puerto Princesa - Musapric posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Muslim Association of Puerto Princesa - Musapric:

Shortcuts

Share