16/05/2025
KATANUNGANG PAMBARANGAY: FOLLOW-UP QUESTION SA RULE OF SUCCESSION.
TANONG: Si Punong Barangay nanalo as Konsehal ng Bayan, nag take ng bagong Oath as City Councilor at pinalitan ni Number 1 Kagawad as new Kapitan, so kulang na ang Sangguniang Barangay ng isa.
Si Number 8 sa halalan sya ba ang aangat para mapuno ang kulang na konseho?
SAGOT: Hindi po. Una sa lahat, hindi sya nanalo sa halalan, hindi sya nag take ng oath dahil talo, so hindi sya kasama sa Rule of Succession under the Local Government Code.
Pangalawa, ang Mayor lamang ang may authority at may discretion kung sino ipapalit niya para mapuno ang sangguniang barangay. Hindi po kapitan, hindi po council (although pwede sila mag suggest, mag recommend, lumuhod o mamilit kung sino choice nila) pero ang decision parin ng Mayor ang masusunod.
Kung mapili si number 8 na natalo ni Mayor ayun pwede...KUNG sya ang mapili, ibig sabihin choice parin ng Mayor anuman ang mangyari.
Ang pagiging kapitan at kagawad ay by election or appointment, tapos mahalaga ay nag take ng OATH, so duly elected or duly appointed ang status niya. Si number 8 sa resulta kailan ma'y hindi naging kagawad (talo nga eh) so walang oath at hindi sya kasama sa provision na Rule of Succession.
EXTRA:
1. Pag kulang sa SK Kagawad Council...si Kapitan ang mag aappoint ng SK Kagawad.
2. Pag kulang sa Sangguniang Barangay...si Mayor mag aappoint ng Kagawad.
3. Pag kulang sa Sangguniang Bayan (municipal o city council)...si Governor ang mag aappoint.
Sana malinaw na po. Hindi isasama ang natalo sa konseho sa Rule of Succession.
RA 7160...MARAMING SALAMAT