02/10/2026
Signage Installation: Kahit anong ligaw ng tadhana, hindi ka na maliligaw sa Labu-o! 🚧, 📍
LOOK: Opisyal na kaming nagkabit ng bagong signages dito sa Brgy. Labu-o, President Roxas! Hindi lang ito basta bakal at pintura; patunay ito na masigasig kaming maglingkod, at masigla ring mang-alarma sa mga pusong laging naliligaw ng landas.
Kadalasan, sabi nila, madali raw hanapin ang tamang daan kung may direksyon. Pero bakit kaya sa pag-ibig, kahit may street sign, may warning map, at naka-all caps pa ang "STOP," pinipilit pa rin nating lumiko kung saan tayo masasaktan? Charot!
Pero seryoso, bilang inyong Sangguniang Kabataan, gusto naming siguruhin na pagdating sa barangay namin, walang bisita o residente ang mawawala. Kung sa love life ay paulit-ulit kang nagpapadulas sa maling desisyon at nag-aakalang "dito na," aba, sa mga kalsada ng Labu-o, hindi na mangyayari ‘yan. May gabay ka na! Kitang-kita na kung nasaan ka, at kung saang direksyon ka dapat magpunta—hindi tulad ng feelings niya na pabalik-balik pero walang direksyon.
Maliit na proyekto man ito para sa iba, malaki ang ibig sabihin nito para sa kaligtasan at kaayusan ng ating komunidad. Dahil ang tunay na SK, hindi lang puro paandar tuwing pista o palaro; binabantayan din nila ang bawat kanto para hindi ka madapa sa dilim.
Kaya sa mga biyahero, kaibigan, at mga torpeng nagbabakasakali dyan: sundin ang tamang tanda. Huwag nang piliting mag-isip kung saan ka lulugar, dahil may sign na nagasabing “Araw-araw kaming handa maglingkod sa inyo.”
Para sa Kabataan, Para sa Barangay Labu-o, at Para sa mga taong gustong itama ang direksyon ng buhay!
-O