04/05/2026
EAT LEARN AND PLAY PROGRAM NG UFI, INILUNSAD SA PREES
Matagumpay ang paglulunsad ng "Eat, Learn, and Play" program ng Uygongco Foundation Inc., Mayo 4, 2026, sa President Roxas East Elementary School sa President Roxas, Capiz.
Umabot sa mahigit walumpung mag-aaral mula Unang Baitang hanggang Ikalimang Baitang ang naging benepisyaryo ng unang araw ng programa. Sinimulan ito sa pamamagitan orientation sa mga magulang, mag-aaral at g**o.
Susundan ito ng 2 oras na "Learn Session" na may Science, basic reading,numeracy games, Art and Sports na pinangunahan ng mga volunteer teachers mula sa foundation.
Layunin ng Uygongco Foundation Inc., sa Eat, Learn, and Play ay upang tugunan ang tatlong pangunahing pangangailangan ng bata: malusog na katawan, matalas na isip, at masayang puso. Dahil kapag busog ang tiyan, mas bukas ang isipan sa pagkatuto."
Taos-pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ng punong g**o na si Dr. Allien A. Ureta sa nasabing grupo dahil aniya malaking tulong ito para sa mga mag-aaral upang mas lalong palakasin ang kanilang kaalaman sa ibat-ibang asignatura.
Ang Eat, Learn, and Play ay nakatakdang ganapin mula May 04, 2026 hanggang Mayo 29, 2026 sa paaralan bilang bahagi ng community outreach program ng foundation. Namahagi rin ang grupo ng learning materials sa lahat ng mga benipisyaryo ng nasabing programa.