14/06/2026
๐ ๐ฃ๐ค๐ก๐๐ฆ ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐๐ ๐๐น๐ผ๐ผ๐ฟ ๐ฃ๐น๐ฎ๐ป
Bilang gabay sa lahat ng mag-aaral, lalo na sa mga bagong PQNHSians, ibinabahagi namin ang School Campus Floor Plan ng President Quirino National High School. Makatutulong ito upang madaling matukoy ang mga gusali, silid-aralan, opisina, at iba pang mahahalagang lugar sa loob ng paaralan. Ang ikatlong larawan naman ay nagpapakita ng mga nakatalagang assembly at lining-up areas batay sa kulay ng watawat ng bawat kurikulum upang maging maayos at organisado ang pagtitipon ng mga mag-aaral.
Kasabay nito, hinihikayat ang lahat na manatiling mapagmatyag at unahin ang kaligtasan sa lahat ng oras. Matapos ang nagdaang lindol na naranasan ng ating komunidad, mahalagang maging handa at may sapat na kaalaman sa mga itinalagang lugar at mga alituntunin ng paaralan upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat isa.
Paalala rin sa lahat ng mag-aaral na magsuot ng tamang uniporme araw-araw. ๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐๐ง๐๐ฌ ๐ก๐ข ๐๐๐ฉ๐๐๐๐๐ก ๐๐ง๐ง๐๐ฅ๐. Ang pagsusuot ng sibilyang damit nang walang sapat na dahilan o pahintulot mula sa paaralan ay mahigpit na ipinagbabawal at sasailalim sa umiiral na mga patakaran ng paaralan. Sama-sama nating panatilihin ang isang ligtas, organisado, at disiplinadong kapaligiran para sa bawat PQNHSian.
โจ ๐ฃ๐ค๐ก๐๐ฆ ๐ฆ๐๐๐ก๐! ๐ฆ๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐ค๐ก๐๐ฆ! โจ