22/09/2026
๐๐ฆ ๐๐ฅ๐๐๐๐ง๐๐๐ง๐จ๐ฅ๐ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐ฅ๐๐ , ๐ง๐๐ ๐ฃ๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก๐, ๐ข๐ ๐ฆ๐จ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ฅ๐ฆ ๐ข๐ก-๐๐๐ฅ
Tampok sa programang AcadLink ang Bachelor of Science in Architecture ng unibersidad. Tinalakay ni Architect Mariama C. Tolentino, Program Chair ng BS Architecture, ang pangunahing layunin at mithiin ng programa. Binigyang-diin din ang mga natatangi at mahahalagang competencies na kinakailangan sa larangan ng Architecture. Napag-usapan ang ebolusyon ng curriculum at ang mga pagbabago nito upang umangkop sa pangangailangan ng propesyon at industriya.
Tinalakay rin ang mga pangunahing hamon na kinakaharap ng programa at ang mga hakbang para mapahusay ang kalidad ng pagtuturo. Binigyang-halaga ang paggamit ng teknolohiya at digital tools sa design, visualization, planning, at iba pang proseso sa Architecture. Binahagi rin ang mga partnerships at linkages ng programa na nagbibigay ng dagdag na oportunidad para sa mga estudyante. Kabilang dito ang academic collaboration, industry exposure, at professional development ng mga future architects.
Tinalakay rin ang mga susunod na plano at hakbang para higit pang mapaunlad ang BS Architecture. Layunin ng programa na makapaghubog ng mga arkitektong may sapat na kaalaman, kasanayan, at malasakit sa pagbuo ng mas maayos at sustainable na built environment.