23/06/2026
Sa gitna ng tahimik na laban, pagod, at pangamba, pinaalala sa atin ng Panginoon na manatiling matatag at hayaang ang Kanyang Salita ang maging lakas ng aming puso.🔥
At ngayong Father’s Day, nais naming parangalan ang mga ama na nagsisilbing haligi ng tahanan—mga lalaking patuloy na lumalaban, nagsasakripisyo, at nagbibigay ng pagmamahal at proteksyon sa kanilang pamilya.❤️✨
Salamat sa inyong katatagan, paggabay, at pusong handang magbigay para sa kapakanan ng iba. Nawa’y patuloy kayong palakasin at pagpalain ng Diyos.