Sangguniang Kabataan - Alnay

Directions Contact the organization

Sangguniang Kabataan - Alnay Through a Cohesive Administration Development Unfolds for the youth

LAST DAY OF PERDÓN PROCESSION | BARANGAY ALNAY Sa ngaran kan Sangguniang Kabataan ng Barangay Alnay, taos-puso asin gika...
30/09/2026

LAST DAY OF PERDÓN PROCESSION | BARANGAY ALNAY

Sa ngaran kan Sangguniang Kabataan ng Barangay Alnay, taos-puso asin gikan sa kaibahan kan puso an samuyang pasasalamat sa gabos na Alnayanos na naki-lahok, naki-saro, asin naki-iba sa satuyang PerdĂłn Procession.

Siyam na aldaw na puno nin pag-ampo, paghinanyog, paglaom, asin pagkasararo. Sa kada lakaw, kada kandila, asin kada pag-ampo, ipinakita ta na an komunidad na tunay na nagkakaisa sa pagtuo, nagiging mas makusog. 🕯️❤️

Salamat sa gabos na naglaan nin oras, sa mga pamilya na nakiiba, sa mga kabataan na nagtabang, asin sa gabos na Alnayanos na sa simple man na paagi, nagin parte kan satuyang paglalakaw sa pagtuo.

Nagpapasalamat man kami sa Barangay Pastoral Council (BPC) Alnay, Barangay Council, mga donors, sponsors, volunteers, asin sa gabos na naging instrumento tanganing maging makahulugan asin matagumpay an aktibidad na ini.

Bilang Sangguniang Kabataan ng Alnay, dakula an samuyang garbo na makapaglingkod asin makapag-initiate nin sarong aktibidad na nagtipon sa satuyang komunidad. Pero higit sa gabos, nagpapasalamat kami dahil ipinakita nin satuyang mga Alnayanos na an tunay na diwa kan komunidad nasa pagkasararo, pagtabang, asin pagtuo.

Sa pagtatapos kan PerdĂłn Procession, sana dae matapos digdi an satuyang pag-ampo. An kandila maaaring mapara, an prusisyon maaaring matapos, pero an liwanag kan pagtuo asin pagkamoot dapat padagos na magdan-ag sa puso kan kada Alnayanos.

Dios mabalos, Alnayanos!
Salamat sa paglakaw, pag-ampo, asin pag-saro sa samuyang gabos. ❤️🙏

Perdón, Panginoon… sa Iyong awa kami’y dumudulog. 🕯️

💒 PAALALA / ANUNSYO — HULING GABI NG PERDON 2026 💒Sa lahat ng kapuso at kasama sa pananampalataya:Ipinapaalam po sa inyo...
29/09/2026

💒 PAALALA / ANUNSYO — HULING GABI NG PERDON 2026 💒

Sa lahat ng kapuso at kasama sa pananampalataya:

Ipinapaalam po sa inyong lahat ang HULING MISA ng ating Perdon 2026 ay gaganapin po NGAYONG GABI,

-September 29, 2026,
- ika-7:00 ng gabi sa Alnay Chapel đź’’

Magsisimba po tayo nang sama-sama bago ang prosisyon — ito ang pinakamahalagang pagkakataon upang magpasalamat, manalangin, at magkaisa bilang isang pamilya sa pananampalataya. 🙏

Sa mga nais at handang mag-alay ng handog / alay, lubos po namin kayong tinatanggap at pinasasalamatan. Ang bawat handog ay pagpapala at pagmamahal sa ating sambayanan.

Inaasahan po namin ang inyong presensya, inyong panalangin, at inyong pagdamay. Sama-sama tayo sa huling gabi ng ating pagsamba! ✨

Dios an magbalos saindong karahayan! Pagpalain nawa kayo at ang inyong pamilya. ❤️

DAY 8 — PERDÓN PROCESSION | BARANGAY ALNAY “Perdón, Panginoon… sa Iyong awa kami’y dumudulog.” 🙏Sa ikawalong araw ng ati...
28/09/2026

DAY 8 — PERDÓN PROCESSION | BARANGAY ALNAY

“Perdón, Panginoon… sa Iyong awa kami’y dumudulog.” 🙏

Sa ikawalong araw ng ating Perdón Procession, muli tayong nagkaisa sa panalangin, pagninilay, at paghingi ng kapatawaran. ❤️

Taos-pusong maraming salamat sa lahat ng donors at sponsors na patuloy na nagbibigay ng kanilang oras, tulong, at suporta. Ang inyong kabutihan ay malaking bahagi ng pagpapatuloy ng ating sama-samang debosyon. 🙏

✨ Salamat sa inyong bukas-palad na puso.
Nawa’y pagpalain kayo ng Poong Maykapal at suklian ang inyong kabutihan.

Patuloy sa panalangin, patuloy sa pananampalataya. 🙏🕯️

DAY 7 — PERDÓN PROCESSION | BARANGAY ALNAY Pitong araw ng panalangin, pagninilay, at sama-samang paghingi ng kapatawaran...
27/09/2026

DAY 7 — PERDÓN PROCESSION | BARANGAY ALNAY

Pitong araw ng panalangin, pagninilay, at sama-samang paghingi ng kapatawaran sa Poong Maykapal. ❤️

Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi at patuloy na naglaan ng oras para sa ating PerdĂłn Procession.

Special thanks to all our generous donors and sponsors for your kindness and support, lalo na sa mga nagbigay ng snacks at iba pang pangangailangan. Malaking tulong ang inyong kabutihan upang maging mas makabuluhan ang bawat gabi ng ating panalangin.

Salamat, Alnayanos, sa inyong pakikiisa.
Sa panalangin, nagkakaisa. Sa pananampalataya, sama-sama.

Perdón, Panginoon… sa Iyong awa kami’y dumudulog. 🤍

DAY 6 — PERDÓN PROCESSION | BARANGAY ALNAY Sa ikaanim na araw ng ating Perdón Procession, muli tayong nagsama-sama sa pa...
27/09/2026

DAY 6 — PERDÓN PROCESSION | BARANGAY ALNAY

Sa ikaanim na araw ng ating Perdón Procession, muli tayong nagsama-sama sa panalangin, pagninilay, at paghingi ng kapatawaran. ❤️

Maraming salamat sa lahat ng nakilahok—mga bata, kabataan, magulang, at mga residente ng Alnay.

Special thanks to our generous donors and sponsors sa kanilang tuloy-tuloy na suporta, lalo na sa pagbibigay ng snacks para sa ating mga participants. Tunay na malaking tulong ang inyong kabutihan. 🙏

sama-sama sa panalangin, sama-sama sa pananampalataya.





DAY 5 — PERDÓN PROCESSION | BARANGAY ALNAY “Perdón, Panginoon… sa Iyong awa kami’y dumudulog.” Sa ating Day 5 Perdón Pro...
26/09/2026

DAY 5 — PERDÓN PROCESSION | BARANGAY ALNAY

“Perdón, Panginoon… sa Iyong awa kami’y dumudulog.”

Sa ating Day 5 Perdón Procession, maraming salamat sa lahat ng nakiisa, naglaan ng oras, at sama-samang nanalangin. ❤️

đź’– Special thanks to all our generous donors and sponsors for your kindness and support, especially for providing snacks. Malaking tulong po ang inyong kabutihan sa ating munting gawain.

Salamat sa limang araw ng panalangin, pagkakaisa, at pagninilay. Nawa’y patuloy tayong pagpalain at gabayan ng Panginoon. 🙏

Perdón, Señor. 🙏❤️






4 DAYS OF PERDÓN PROCESSION | BARANGAY ALNAYApat na araw ng sama-samang paglalakad, pananalangin, pagmumuni-muni, at pag...
24/09/2026

4 DAYS OF PERDÓN PROCESSION | BARANGAY ALNAY

Apat na araw ng sama-samang paglalakad, pananalangin, pagmumuni-muni, at paghingi ng kapatawaran sa Poong Maykapal. 🤍

Sa bawat hakbang, dala natin ang ating mga panalangin, pasasalamat, at pag-asa. Nawa’y patuloy tayong gabayan ng Panginoon, linisin ang ating mga puso, at palakasin ang ating pananampalataya.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakibahagi at nakiisa sa ating 4-Day PerdĂłn Procession.

Isang espesyal na maraming salamat sa ating mga sponsors na nagbigay ng snacks para sa mga nakilahok sa ating prusisyon. Ang inyong kabutihan at suporta ay malaking tulong at pagpapakita ng tunay na malasakit sa ating komunidad. ❤️🙏

Perdón, Panginoon… sa Iyong awa kami’y dumudulog.

Nawa’y manatili sa ating puso ang tunay na diwa ng Perdón pananampalataya, pagpapatawad, pagkakaisa, at pagmamahal sa kapwa. ✝️

Maraming salamat, Alnayanos! 🤍🙏

DAY 3 — PERDÓN PROCESSION | BARANGAY ALNAYSa ikatlong gabi ng ating Perdón Procession, muli tayong nagsama-sama sa panal...
24/09/2026

DAY 3 — PERDÓN PROCESSION | BARANGAY ALNAY

Sa ikatlong gabi ng ating PerdĂłn Procession, muli tayong nagsama-sama sa panalangin, pagninilay, at taos-pusong paghingi ng tawad sa Panginoon.

Maraming salamat sa lahat ng Alnayanos na patuloy na nakikiisa at naglalaan ng oras upang sama-samang lumakad sa landas ng pananampalataya.

Taos-pusong pasasalamat din sa ating mabait na sponsor ng snacks para sa ating mga deboto at participants ngayong gabi. Malaking bagay ang inyong kabutihan at suporta sa pagpapatuloy ng ating makabuluhang gawain. God bless you po! 🙏❤️

Nawa’y ang bawat panalangin ay maging daan tungo sa kapatawaran, pagbabago, pagkakaisa, at mas matibay na pananampalataya.

“Perdón, Panginoon… sa Iyong awa kami’y dumudulog.” 🕯️🙏

Maraming salamat, Barangay Alnay, sa isang makabuluhan at mapayapang Day 3 ng Perdón Procession! ❤️








🕯️ DAY 2 — PERDÓN PROCESSION | BARANGAY ALNAY 🙏❤️Another night of faith, prayer, and unity. Matagumpay na naman nating n...
22/09/2026

🕯️ DAY 2 — PERDÓN PROCESSION | BARANGAY ALNAY 🙏❤️

Another night of faith, prayer, and unity.

Matagumpay na naman nating naisagawa ang Day 2 ng Perdón Procession. Maraming salamat sa lahat ng Alnayanos—mga bata, kabataan, magulang, at residents—na patuloy na nakikiisa sa ating panalangin at paglalakbay sa pananampalataya. 🙏

Sa bawat hakbang at panalangin, mas lalo nating pinatitibay ang ating pagkakaisa bilang isang komunidad. 🕯️❤️

Day 2 — SUCCESSFULLY DONE!
Maraming salamat, Alnayanos! See you again sa mga susunod pang gabi ng ating Perdón Procession. 🙏

THANK YOU VERY MUCH SA LAHAT NG DONORS AND SPONSORS DYOS AN MAGBALOS SAINDONG KARAHAYAN

DAY 1 — PERDÓN PROCESSION | BARANGAY ALNAY 🙏Perdón, Panginoon… sa Iyong awa kami’y dumudulog.Sa unang gabi ng ating Perd...
21/09/2026

DAY 1 — PERDÓN PROCESSION | BARANGAY ALNAY 🙏

Perdón, Panginoon… sa Iyong awa kami’y dumudulog.

Sa unang gabi ng ating Perdón Procession, sama-sama tayong naglakad, nanalangin, at naglaan ng oras upang magnilay at humingi ng kapatawaran sa Poong Maykapal. 🙏❤️

Maraming salamat sa lahat ng bata, kabataan, mga magulang, at mga residente ng Barangay Alnay na nakisama at nakiisa sa ating unang gabi. Nakakatuwang makita ang buong komunidad na sama-samang nagdarasal at naglalakbay sa pananampalataya. 🕯️

Ang gawaing ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng SK Alnay, kasama ang Barangay Pastoral Council, Barangay Council of Alnay, at Caburunugan. Maraming salamat sa inyong suporta at pakikipagtulungan upang maging posible ang gawaing ito.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa lahat ng sponsors at donors para sa Day 1. Malaking tulong ang inyong kabutihan at bukas-palad na suporta. ❤️

Higit sa lahat, salamat sa bawat isa na naglaan ng oras ngayong gabi. Nawa’y ang simpleng paglalakad at pananalangin natin ay maging paalala na hindi lamang tayo magkakasama bilang isang barangay, kundi bilang isang komunidad na may pananampalataya, pagmamahalan, at malasakit sa isa’t isa.,

Day 1 done succesful
Maraming salamat, Alnayanos! Kita-kits sa mga susunod pang gabi ng ating PerdĂłn Procession.

# OPEN FOR DONATION

Thank you inang sta Elena and Constantino 🙏👑









Address

Alnay
Polangui
4506

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan - Alnay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Kabataan - Alnay:

Shortcuts

Share