06/09/2026
DAGYAW SANDUGO EAGLES CLUB | COMMUNITY SERVICE ❤️🦅
Isang makabuluhang araw ng paglilingkod, malasakit, at pakikipagkapwa para sa ating mga kababayan.
Nagsagawa tayo ng Community Service sa Sitio Bacood, Sto. Niño, Plaridel, Bulacan, kung saan naghatid tayo ng food assistance at mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas at itlog, at nagsagawa rin ng simpleng pagpapakain para sa ating community.
Para sa amin, ang tunay na diwa ng serbisyo ay hindi nasusukat sa dami o halaga ng ating naibibigay. Ang mahalaga ay ang puso, oras, at malasakit na inilalaan natin para sa ating kapwa.
Sa simpleng paraan, sama-sama nating naipapakita na ang pagiging isang Agila ay hindi lamang tungkol sa samahan, kundi tungkol din sa paglilingkod sa komunidad at pagtulong sa nangangailangan.
Maraming salamat sa lahat ng ating mga kapatid na Agila at sa bawat taong naging bahagi ng gawaing ito.
Patuloy tayong maglingkod.
Patuloy tayong magmalasakit.
Patuloy tayong maging bahagi ng pagbabago. 🦅❤️
Dagyaw Sandugo Eagles Club
Service Through Brotherhood and Community