16/07/2026
๐๐๐ฆ ๐ฆ๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฝ๐ฎ๐ฐ๐ฒ ๐
Nagsagawa ng paglilinis sina SK Kcris, SK Allen, at SK Chairman Bjorn Valencia sa SK Office/Computer Library ng Barangay bilang paghahanda sa paggamit nito ng ating mga ALS learners sa kanilang pag-aaral.
Sa pamamagitan ng simpleng gawaing ito, patuloy nating ipinapakita ang ating pakikiisa at suporta sa edukasyon ng kabataan ng Lumang Bayan. Taos-pusong pasasalamat kay Kapitan ABC Leoncio Ramos sa kanyang walang sawang suporta sa Sangguniang Kabataan at sa patuloy na pagbibigay ng maayos na espasyo at mga pangangailangan para sa kapakinabangan ng ating mga kabarangay.
Sama-sama nating itaguyod ang isang malinis, maayos, at makabuluhang lugar para sa pagkatuto ng bawat kabataan.