REnew Mindoro

Directions Website

REnew Mindoro A movement for clean, affordable, and reliable energy in Mindoro. Rooted in community. Driven by justice. Powered by the sun.

10/09/2026

𝐒𝐢𝐦𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧, 𝐋𝐆𝐔 𝐧𝐚𝐧𝐠𝐮𝐧𝐠𝐮𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐫𝐞𝐧𝐞𝐰𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐞𝐧𝐞𝐫𝐠𝐲 𝐩𝐮𝐬𝐡 𝐬𝐚 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨
https://hatawtabloid.com/2026/09/09/simbahan-lgu-nangunguna-sa-renewable-energy-push-sa-mindoro/

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro — Nagkakaisa ang Simbahang Katolika, mga lokal na pamahalaan at mga environmental group sa pagsusulong ng renewable energy sa Mindoro, habang inilulunsad ang mga proyekto sa solarization at kampanyang naglalayong bawasan ang matagal nang pagdepende ng isla sa mahal at maruming diesel power.

Sa pangunguna ng Diocese of Calapan, 19 sa 43 parokya at pasilidad nito ang gumagamit na ngayon ng solar energy—halos kalahati ng target ng diyosesis sa tatlong taong programa nito upang i-solarize ang mahahalagang institusyon at serbisyo sa mga komunidad.

Ayon kay Calapan Bishop Moises Cuevas, nakamit ang bilang sa loob lamang ng walong buwan mula nang simulan ang programa.

Sinabi niyang ilang Catholic schools ang naghahanda na rin lumipat sa solar energy bilang bahagi ng layunin ng Simbahan na magpakita ng isang konkretong modelo para sa iba pang institusyon.

Kasabay nito, inilunsad ng mga green energy advocates ang REnew Mindoro Caravan, isang kampanyang naglalayong palawakin ang access ng mga Mindoreño sa renewable energy at itulak ang solar power bilang alternatibo sa suliranin ng mataas at hindi matatag na presyo ng koryente sa isla.

Ang caravan ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng mga simbahan at lokal na pamahalaan, na may layuning pag-ugnayin ang mga komunidad sa renewable energy providers at financing institutions.

Ayon kay Gerry Arances, executive director ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED), nananatiling malaking hamon ang matinding pagdepende ng Oriental Mindoro sa diesel.

Aniya, 91.43 porsiyento ng power capacity ng Oriental Mindoro ay mula sa diesel, habang ang generation rate nito ay umaabot sa P11.47 kada kilowatt-hour, kompara sa P5.74 kada kWh para sa hydropower.

Sa isa pang pagtataya, sinabi ni Arances na ang singil sa koryente sa Mindoro na gumagamit ng diesel ay umabot ngayong taon sa hanggang P18.29 kada kWh, dahilan upang maging mas mabigat ang pasanin ng mga consumers.

“Every centavo increase is yet another reason to make the switch to renewable energy,” ayon kay Arances.

Iginiit niyang hindi dapat ituring ang solar power bilang teknolohiyang malayo sa ordinaryong mamamayan.

May tinatayang peak demand na 122 megawatts ang Oriental at Occidental Mindoro, samantala, tinukoy ng Climate Analytics ang tinatayang 34,760 MW renewable energy potential sa isla.

Dahil dito, sinabi ng mga tagapagtaguyod ng REnew Mindoro na may malaking pagkakataon ang lalawigan na maging modelo ng community-centered renewable energy.

Binigyang-diin ni Bishop Cuevas na ang solarization ay hindi dapat limitado sa mga pasilidad ng Simbahan.

Aniya, maaari itong palawakin sa iba pang mga parokya, paaralan, local government units at mga kabahayan, lalo sa mga indigenous people at mga komunidad na higit na naaapektohan ng mahal at hindi maaasahang supply ng koryente.

Idinagdag niya na ang pagpapalawak ng access sa renewable energy ay may kaugnayan sa pagprotekta sa dignidad at kapakanan ng mamamayan.

Nanawagan din siya ng mas malawak na pagtutulungan ng Simbahan, paaralan, pribadong sektor, pamahalaan, mga financial institutions at mga lokal na komunidad upang maisulong ang energy transition.

Para kay Rev. Fr. Edwin Gariguez, lead convenor ng Protect Verde Island Passage, ang paglipat mula sa fossil fuels tungo sa renewable energy ay mahalagang bahagi ng pangangalaga sa kapaligiran, lalo na sa panahon ng Season of Creation.

Sinabi niyang ang Verde Island Passage ay hindi dapat ituring na isang yamang maaaring isakripisyo para sa fossil fuel development.

Sa halip, aniya, ang pagpapalawak ng distributed renewable energy gaya ng rooftop solar systems ay maaaring makatulong sa pagbibigay ng koryente sa mga komunidad nang hindi isinasakripisyo ang kaligtasan ng karagatan at kapaligiran.

Samantala, sinuportahan ng lokal na pamahalaan ng Mansalay ang REnew Mindoro Caravan bilang bahagi ng pagpapalawak ng kaalaman ng mga Mindoreño hinggil sa solar power.

Ayon kay Mansalay Vice Mayor Jose Ildefonso Maliwanag, layunin ng caravan na ipakita sa mga mamamayan na ang solar energy ay maaaring maging isang mas praktikal at mas abot-kayang alternatibo para sa kanilang pangangailangan sa koryente.

Ang magkakasunod na solarization projects at REnew Mindoro Caravan ay bahagi ng lumalawak na panawagan para sa isang energy transition sa Mindoro—mula sa fossil fuel dependence tungo sa renewable energy na mas malapit, mas malinis at mas abot-kamay ng mga komunidad. (𝙏𝙀𝘿𝘿𝙔 𝘽𝙍𝙐𝙇)

10/09/2026
REnew Mindoro Caravan sa Mansalay ☀️Noong Setyembre 5, 2026, matagumpay na inilunsad ang kauna-unahang REnew Mindoro Car...
10/09/2026

REnew Mindoro Caravan sa Mansalay ☀️

Noong Setyembre 5, 2026, matagumpay na inilunsad ang kauna-unahang REnew Mindoro Caravan sa Mansalay!

Nagsama-sama ang mga simbahan, lokal na pamahalaan (LGU), institusyong pinansyal, solar power installers, at civil society organizations (CSOs) upang isulong ang abot-kamay at abot-kayang kuryente mula sa renewable energy sa buong isla ng Mindoro.

Ang caravan na ito ay pinangunahan ng REnew Mindoro, kasama ang Sta. Catalina de Alexandria Parish ⛪ bilang host parish at ang LGU Mansalay bilang host municipality. 🏛️

Bahagi ito ng Energy Transition Roadmap ng Diyosesis ng Calapan at ng patuloy na pagso-solarize ng mga simbahan at paaralang Katoliko. Layunin nating itaguyod ang malinis na enerhiya at unti-unting iwanan ang mahal, 'di maaasahan, at maduming fossil fuels tulad ng diesel.

Nagkaroon din ng makabuluhang talakayan kasama ang sektor ng mangingisda, negosyo, LGU, katutubo, paaralan, at CSOs. Binigyang-diin ang agarang paglipat sa renewable energy upang maprotektahan ang Verde Island Passage (VIP), ang mayamang karagatang pangunahing pinagmumulan ng kabuhayan ng ating mga mangingisda. 🌊

Maraming salamat sa lahat ng dumalo, nakilahok, at sumuporta! Ang caravan na ito ay tanglaw ng pag-asa para sa mga Mansaleño—isang panimula tungo sa mura, maaasahan, at malinis na enerhiya.

Samahan ninyo kami sa mga susunod pang caravan at maging susi sa pagpapalawak ng solarization sa bawat komunidad sa Mindoro! ✨

Blessing and Inauguration of the Solarization Projects in Bishop’s Residence and St. Augustine Seminary in Celebration o...
05/09/2026

Blessing and Inauguration of the Solarization Projects in Bishop’s Residence and St. Augustine Seminary in Celebration of the Opening of Season of Creation 2026

Inaanyayahan ang lahat ng mga Mindoreño sa pagbabasbas at pagpapasinaya ng mga Solarization Projects ng Diocese of Calapan—isang mahalagang hakbang sa isinasagawang Diocesan Energy Transition Roadmap tungo sa paglipat sa malinis na solar energy para sa lahat ng diocesan facilities.

Sa paggunita ng Season of Creation, patuloy na tumutugon ang Simbahan sa panaghoy ng ating inang kalikasan. Ang panahong ito ng paghahanda at pagbubunyi ay magtatapos sa Oktubre 4, sa Kapistahan ni San Francisco de Assisi, ang Patron ng Ekolohiya.

Mga kapwa Mindoreño, magkita-kita tayo at magkaisa sa pagtataguyod ng mas luntiang at mas maliwanag na pamayanan! 💚✨

📅 Petsa: Setyembre 6, 2026 (Linggo)
⏰ Oras: 3:00 PM
📍 Lugar: Magsisimula sa St. Augustine Seminary, Suqui, Calapan City at magtatapos sa Bishop's Residence, Salong, Calapan City

Mga Mansaleños, isang araw nalang bago ang REnew Mindoro Caravan! ☀️Ngayong weekend, gaganapin ang pinakahinihintay na p...
04/09/2026

Mga Mansaleños, isang araw nalang bago ang REnew Mindoro Caravan! ☀️

Ngayong weekend, gaganapin ang pinakahinihintay na programang solarization sa Mansalay! Dito niyo malalaman ang kahalagahan at mga benepisyo ng solar energy sa buong Mindoro.

Kaya, sumama na sa byaheng sustenableng kinabukasan para sa susunod na henerasyon ng Mindoreño! ⚡️

———

“REnew Mindoro Caravan (Pilot Caravan)”
📍 Municipal Sports, Entertainment, Education, and Evacuation Center (SPEC), Municipal Grounds, Mansalay, Oriental Mindoro.
📅 September 5, 2026 (Sabado)
🕙 8 AM

Para po! Byaheng tipid na kuryente at malinis na enerhiya! 🚙☀️Mga kasama, mas mapapagaan niyo na ang mga inyong gastusin...
04/09/2026

Para po! Byaheng tipid na kuryente at malinis na enerhiya! 🚙☀️

Mga kasama, mas mapapagaan niyo na ang mga inyong gastusin sa tulong ng renewable energy. Sa pamamagitan ng caravan na ito, makakamit na natin ang abot-kamay at abot-kayang enerhiya. ⚡️

Ano pang hinihintay niyo? Tawagin na ang inyong kapamilya, kapitbahay, kakaklase, kaibigan, o kasamahan sa REnew Mindoro Caravan sa Mansalay! 💚

———

“REnew Mindoro Caravan (Pilot Caravan)”
📍 Municipal Sports, Entertainment, Education, and Evacuation Center (SPEC), Municipal Grounds, Mansalay, Oriental Mindoro.
📅 September 5, 2026 (Sabado)
🕙 8 AM

READ: Light Within Reach: REnewing Mindoro in Season of CreationFor many Mindoreños, the energy crisis is not an abstrac...
04/09/2026

READ: Light Within Reach: REnewing Mindoro in Season of Creation

For many Mindoreños, the energy crisis is not an abstract issue but a daily burden. Recurring power outages, high electricity costs, and a system that often fails to meet the people’s needs have long shaped life on the island. This is not merely an inconvenience; it affects livelihoods and operations, disrupts education, compromises expenses for other basic necessities, and constrains local development. - Father Edwin A. Gariguez

—

Op-ed by Rev. Fr. Edwin Gariguez, the Executive Director of the Diocesan Social Action Center of the Diocese of Calapan. A Catholic priest and environmental advocate, he serves as convenor of REnew Mindoro and Protect the Verde Island Passage, advancing community-led efforts for a just and sustainable energy transition.

He is a former Executive Director of Caritas Philippines (CBCP-NASSA) and a recipient of the 2012 Goldman Environment Prize for his leadership in protecting Mindoro’s environment and indigenous communities.

Caring for our common home calls us to examine the systems we rely on and to choose those that sustain life rather than harm it

Mga Mansaleños, dalawang araw nalang bago ang REnew Mindoro Caravan! ☀️Ito na ang matagal ninyong kailangan na solusyon ...
03/09/2026

Mga Mansaleños, dalawang araw nalang bago ang REnew Mindoro Caravan! ☀️

Ito na ang matagal ninyong kailangan na solusyon sa mataas na singil ng kuryente, malaking brownout, at krisis sa klima. Siguradong swak ito sa budget para sa inyong tahanan, komunidad, parokya, paaralan, o opisina. 🏡

Tara na at isulong ang solar power para sa malinis at murang kuryente sa Mindoro! ⚡️

———

“REnew Mindoro Caravan (Pilot Caravan)”
📍 Municipal Sports, Entertainment, Education, and Evacuation Center (SPEC), Municipal Grounds, Mansalay, Oriental Mindoro.
📅 September 5, 2026 (Sabado)
🕙 8 AM

Bayad po! Byaheng sustenableng kinabukasan para sa susunod na henerasyon! 📣Mansaleños, kilalanin ang REnew Mindoro Carav...
03/09/2026

Bayad po! Byaheng sustenableng kinabukasan para sa susunod na henerasyon! 📣

Mansaleños, kilalanin ang REnew Mindoro Caravan (Pilot Caravan) sa Setyembre 5, 2026 (Sabado)! ☀️

Ito ay magaganap ng alas-8 ng umaga sa Municipal Sports, Entertainment, Education, and Evacuation Center (SPEC), Municipal Grounds, Mansalay, Oriental Mindoro.

Tingnan sa ibaba ng post na ito ang maikling nilalaman ng caravan. ⬇️ Abangan sa aming REnew Mindoro page ang karagdagang detalye ng programa. 📲

———

“REnew Mindoro Caravan (Pilot Caravan)”
📍 Municipal Sports, Entertainment, Education, and Evacuation Center (SPEC), Municipal Grounds, Mansalay, Oriental Mindoro.
📅 September 5, 2026 (Sabado)
🕙 8 AM

Saan nga ba nanggagaling ang enerhiyang ginagamit natin araw-araw? 💡🏭Alamin kung ano ang fossil fuels at ang epekto nito...
29/08/2026

Saan nga ba nanggagaling ang enerhiyang ginagamit natin araw-araw? 💡🏭

Alamin kung ano ang fossil fuels at ang epekto nito sa ating kalikasan at komunidad. 🌏

Paano ka nakikinabang sa fossil fuel sa araw-araw? Ibahagi ang iyong saloobin sa comments section! 👇🏽

Address

Sitio Abada, Marfrancisco
Pinamalayan
5208

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when REnew Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share