Sabang High School - Supreme Secondary Learners Government

Sabang High School - Supreme Secondary Learners Government Official page of Sabang High School Supreme Secondary Learners Government

Ngayong Valentine’s, makulay ang campus dahil sa iba’t ibang kulay ng shirts na suot ng bawat isa. Bawat kulay may kwent...
12/02/2026

Ngayong Valentine’s, makulay ang campus dahil sa iba’t ibang kulay ng shirts na suot ng bawat isa. Bawat kulay may kwento—may broken, may study first, may taken, may bitter, may friend zoned, may mutual, may naghihintay pa rin, at may hindi pa rin nagkakalove-life. Ang saya lang makita na kahit iba-iba ang status, iisa ang good vibes sa school. Happy Hearts Day, everyone!

JUST IN |  Matagumpay na naisagawa ang Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Voting kung saan aktibong lumahok ang...
05/02/2026

JUST IN | Matagumpay na naisagawa ang Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Voting kung saan aktibong lumahok ang mga mag-aaral ng Sabang High School upang piliin kung sino ang susunod na mga pinuno ng paaralan. Ipinakita ng halalan ang pakikiisa at responsableng pagboto ng mga mag-aaral bilang bahagi ng demokratikong proseso.

Isinagawa ito sa gabay ng iba't-ibang g**o kaakibat ng pakikiisa ng mga SSLG Officers.

ANNOUNCEMENT: General SPTA MeetingWe warmly invite all parents, guardians, and teachers to attend our upcoming General S...
05/02/2026

ANNOUNCEMENT: General SPTA Meeting

We warmly invite all parents, guardians, and teachers to attend our upcoming General SPTA Meeting. This gathering is an important opportunity to discuss school updates, address concerns, and work together for the continuous improvement of our students’ learning environment. Your presence and participation are highly encouraged, as your voice plays a vital role in strengthening our school community.

PEBRERO 4, 2026  SABANG HIGH SCHOOL Matagumpay na isinagawa ang Miting de Avance ng mga aspiring Supreme Secondary Learn...
05/02/2026

PEBRERO 4, 2026
SABANG HIGH SCHOOL

Matagumpay na isinagawa ang Miting de Avance ng mga aspiring Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Officers ng Sabang High School bilang huling bahagi ng kampanya para sa nalalapit na halalan ng mga pinunong mag-aaral. Ang nasabing pagtitipon ay nagsilbing mahalagang plataporma upang maipahayag ng bawat kandidato ang kanilang mga layunin, programa, at paninindigan para sa kapakanan ng buong komunidad ng mag-aaral.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, naipakita ng mga aspiring SSLG Officers ang kanilang kahandaan na mamuno nang may integridad, pananagutan, at malasakit. Higit pa rito, binigyang-diin ng gawain ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral sa proseso ng demokrasya sa loob ng paaralan. Ang Miting de Avance ay isang patunay ng patuloy na pagsisikap ng paaralan na hubugin ang mga mag-aaral bilang responsable, makabuluhan, at makataong mga lider ng hinaharap.

Hindi kailangan ng partido para maglingkod nang tapat. Ang kailangan ay malasakit, paninindigan, at pusong handang makin...
03/02/2026

Hindi kailangan ng partido para maglingkod nang tapat. Ang kailangan ay malasakit, paninindigan, at pusong handang makinig.

Ang mga Independent Candidates ay tumatakbo hindi para sa kulay ng isang grupo, kundi para sa kapakanan ng bawat mag-aaral. Malayang mag-isip, tapat sa prinsipyo, at buo ang hangaring magdala ng positibong pagbabago.

Sa pagkakaiba-iba ng pananaw, nabubuo ang mas matibay na kinabukasan. Dahil ang tunay na lider ay hindi nasusukat sa partido, kundi sa gawa.

Para sa serbisyo. Para sa mag-aaral. Para sa Sabang High School.

Sa panahong kailangan ng tapang, pagkakaisa, at tunay na serbisyo, narito ang POWER RANGER Partylist na handang tumindig...
03/02/2026

Sa panahong kailangan ng tapang, pagkakaisa, at tunay na serbisyo, narito ang POWER RANGER Partylist na handang tumindig para sa bawat mag-aaral.

Sama-samang lakas ng mag-aaral ang magsisilbing sandata para sa positibong pag-unlad. Isang partidong naniniwala na ang tunay na lider ay naglilingkod, nakikinig, at kumikilos.

Para sa kinabukasang may direksyon, malasakit, at pag-asa.
POWER RANGER Partylist
Lakas ng Samahan. Lakas ng Kinabukasan.

Sa panahong kailangan ng boses ng mag-aaral, narito ang KISLAP Partylist Kabataang Inspirado sa Serbisyo, Lakas at Pagba...
03/02/2026

Sa panahong kailangan ng boses ng mag-aaral, narito ang KISLAP Partylist

Kabataang Inspirado sa Serbisyo, Lakas at Pagbabago.

Kami ay naniniwala na ang tunay na liderato ay nagsisimula sa pakikinig, lumalakas sa pagkilos, at nagbubunga ng tunay na pagbabago.
Para sa isang SSLG na makatao, makabago, at makabuluhan
Vote KISLAP. Para sa paaralan. Para sa kinabukasan.

Humanda upang marinig ang iyong boses! 🚀 Habang nalalapit ang paparating na halalan sa paaralan, oras na para pumili ng ...
02/02/2026

Humanda upang marinig ang iyong boses! 🚀
Habang nalalapit ang paparating na halalan sa paaralan, oras na para pumili ng mga pinunong bubuo sa kinabukasan ng ating paaralan!Pumili ng tamang kandidato, makinig sa kanilang mga plataporma, at magpasya kung sino ang kabahagi ng iyong pananaw!

WHO WILL BE OUR NEXT LEADERS?

"Target locked, dreams achieved! 🎯 Congratulations on your archery win! 😊""Hitting the mark with precision and skill, yo...
02/02/2026

"Target locked, dreams achieved! 🎯 Congratulations on your archery win! 😊"

"Hitting the mark with precision and skill, you're a true master of the bow! 🎯 Congratulations on your outstanding achievement in archery! Your dedication, focus, and passion have paid off, and we couldn't be prouder of you! May this victory be the start of a lifelong journey of excellence and success! Keep aiming high and shooting for the stars! 😊"

ARCHERY BOYS PLACE

30 meter category
‎Cantos, James Patrick P. - 10th Place
‎Fernandez, Jayvie L. - 12th Place

‎50 meter category
‎Cantos, James Patrick P. - 11th Place
‎Fernandez, Jayvie L. - 15th Place

‎60 meter category
‎Cantos, James Patrick P. - 8th Place
‎Fernandez, Jayvie L. - 11th Place

‎70 meter category
‎Cantos, James Patrick P. - 9th Place
‎Fernandez, Jayvie L. - 13th Place

‎1440 category single FITA
‎Cantos, James Patrick P. - 9th Place
‎Fernandez, Jayvie L. - 13th Place

ARCHERY GIRLS PLACE

30 meter category
‎Gamol, Nuha Bint Abdulraheem S. - 14th place

‎1440 category, single FITA
‎Gamol, Nuha Bint Abdulraheem S. - 15th place

Tatak Sabang High! LaMANG YAN!

Aim High! Sabang High!

Happy birthday po Ma'am Lea! May your day be filled with love, laughter, and every blessing you truly deserve. Celebrate...
02/12/2025

Happy birthday po Ma'am Lea! May your day be filled with love, laughter, and every blessing you truly deserve. Celebrate your special day—you deserve all the happiness in the world.

No classes tomorrow, November 26, 2025, due to Tropical Depression Verbena. Keep safe and Stay Dry Phytons!
25/11/2025

No classes tomorrow, November 26, 2025, due to Tropical Depression Verbena. Keep safe and Stay Dry Phytons!

Address

Sabang
Linapacan
5208

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sabang High School - Supreme Secondary Learners Government posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share