02/12/2021
December 01, 2021 | World AIDS Day ❤️💛
Kaugnay ng pagdiriwang ng World AIDS Day, nagsimula nang matupad ang ating hangarin na mareplicate ang ating proyekto upang mas marami pang mga bata, kabataan, magulang at stakeholders ang ating maabot. Una na dito ay ang Lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro. 🙌
Sa pamamagitan ng ating partner theater group, ang Ora Et Labora ay naipalabas na sa Oriental Mindoro National High School ang ating musical play na pinamagatang Tara, Laro Tayo! 🎭
Umabot sa humigit kumulang 100 na mga g**o ng OMNHS ang nakasama natin na naglaro at naantig sa kwento ng buhay at karanasan na may leksyong kapupulutan -- lalo't higit sa usapin ng HIV/AIDS.
Nagpapasalamat po kami sa suporta nina Konsehal Rius Anthony Cui Agua at SK Noel Claro Cirujano ng Calapan City na naging daan upang madala natin ang proyekto natin sa kanilang bayan! 🤝
Patuloy nating alalahanin na dapat sa laro ng buhay ay walang talo, sapagkat lahat tayo ay panalo. 👐
Sa mga susunod na buwan, pipilitin din po natin na madala ang Project PoziTV Caravan sa iba pang mga bayan, barangay at paaralan sa Oriental Mindoro. Kaya natin ito mga kapatid! 💛❤️