QCBAC-Quisao Citizen of Barangay Against Crime

Directions

QCBAC-Quisao Citizen of Barangay Against Crime Volunteers. No Politics. Pure Service.

TUGON sa PAANYAYA, AKSYON para sa KALIKASAN💪Clean-up Drive|Upper Barak Quisao🌿Nakatanggap po kahapon August 14, 2026 ang...
15/08/2026

TUGON sa PAANYAYA, AKSYON para sa KALIKASAN💪
Clean-up Drive|Upper Barak Quisao🌿

Nakatanggap po kahapon August 14, 2026 ang QCBAC ng liham paanyaya mula sa Brgy. Quisao para sa Clean-up Drive na ginanap ngayong araw August 15, 2026 sa oras na 6 ng umaga sa Upper Barak Quisao, Pililla.

Tumugon po kami sa paanyaya at nakasama ang iba pang organisasyon, Coastguard, MRF Staff, SB, Brgy. Staff at mga Tanod sa paglilinis ng ating komunidad.

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa Brgy. Quisao sa pangunguna ng ating Kapitan Alvin Ople sa paanyaya at sa tiwala.
Makakaasa po kayo na ang QCBAC ay patuloy na susuporta sa anumang proyekto at aktibidad ng barangay.

Maliit man o malaki, ang bawat kilos para sa kalikasan ay mahalaga. Sama-sama para sa mas malinis at mas maayos na komunidad💪


Maging Responsableng Mamamayan 🗑️💚A friendly reminder from QCBACHinihikayat po namin ang bawat isa na maging responsable...
03/08/2026

Maging Responsableng Mamamayan 🗑️💚
A friendly reminder from QCBAC

Hinihikayat po namin ang bawat isa na maging responsable sa kani-kanilang basura.

Kung sakaling makakita po tayo ng basura sa tapat ng ating bahay — kahit hindi atin — kung ito ay tinangay ng hangin o agos ng ulan, pakidampot na rin po sana natin. Para na rin ito ay hindi na kumalat pa at makabara sa mga daluyan ng tubig.

Ang simpleng pagpulot natin ng basura ay para sa mas malinis at maaliwalas na kapaligiran.
Dahil ang mas malinis na paligid, mas maganda at masayang pagmasdan ☺️

Sama-sama natin alagaan ang ating komunidad.

August 2, 2026ANOTHER SUCCESSFUL ACTIVITY ORGANIZED BY QCBAC!💚Sa pagpapatuloy ng aming isinasagawang Clean-up Drive, tao...
02/08/2026

August 2, 2026
ANOTHER SUCCESSFUL ACTIVITY ORGANIZED BY QCBAC!💚

Sa pagpapatuloy ng aming isinasagawang Clean-up Drive, taos-puso po kaming nagpapasalamat!

Maraming salamat sa Sangguniang Barangay ng Quisao: Brgy. Captain Alvin Ople at mga Kagawad sa patuloy ninyong suporta sa aming mga aktibidad.

Gayundin sa PSGII, MRF Staff, at sa ating Philippine Coast Guard Pililla sa pagtugon sa aming imbitasyon sa pangalawang pagkakataon.

Isang malaking pasasalamat po sa inyong lahat sa pakikiisa, oras, at malasakit para sa ating komunidad.

Naniniwala po kami na kung tayo’y sama-sama at tulong-tulong, walang imposible. Makakamit natin ang minimithi nating malinis at maayos na komunidad.

👉Barangay Anti-Drug Abuse Council(BADAC)👈Naki pagpulong po tayo bilang Representative ng QCBAC kasama ang mga bumubuo ng...
29/07/2026

👉Barangay Anti-Drug Abuse Council(BADAC)👈
Naki pagpulong po tayo bilang Representative ng QCBAC kasama ang mga bumubuo ng nasabing konseho; Sangguniang Barangay/Coastguard/PNP at mga organisasyong may kinalaman dito.

PAANYAYA: IKALAWANG CLEAN-UP DRIVE 🧹Muling magsasagawa ang QCBAC Organization ng clean-up drive para sa mas malinis, lig...
27/07/2026

PAANYAYA: IKALAWANG CLEAN-UP DRIVE 🧹

Muling magsasagawa ang QCBAC Organization ng clean-up drive para sa mas malinis, ligtas, at maayos na Brgy. Quisao.

📅 Petsa: Agosto 2, 2026 | Linggo
⏰ Oras: 6:00 AM - 10:00 AM
📍 Tagpuan: Waiting Shed, San Antonio St. Feeder Rd., Brgy. Quisao

Layunin: Linisin ang mga street canal at alisin ang mga nakabarang basura upang maiwasan ang pagbaha at sakit ngayong tag-ulan.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa! May inihanda na kaming gloves at gamit. Magdala na lang ng pamalit na damit at tubig 💧

Comment “AKO” kung sasama ka🖐

Sama-sama para sa kalinisan ng ating barangay! 💚

A SUCCESSFUL CLEAN-UP DRIVE! 🌊We would like to extend our heartfelt gratitude to everyone who joined and supported our C...
20/07/2026

A SUCCESSFUL CLEAN-UP DRIVE! 🌊

We would like to extend our heartfelt gratitude to everyone who joined and supported our Clean-Up Drive.

Special thanks to:
PCG CGSS Pililla for your continuous support and service
Hon. Kagawad Warren Alcantara
Hon. Kagawad Mario Damasco
Kuya Arnel C Samson
And to all our amazing volunteers from QCBAC and Brgy. Quisao

Thank you so much to the Brgy. Quisao Council for giving us the opportunity and permission to hold our Clean-Up Drive in the community.

We are grateful for your support in making this activity possible.

Together, we collected several sacks of trash and made a big step towards a cleaner and healthier community.

Thank you all for your time, effort, and malasakit. We look forward to working with you again in our future activities!


QCBAC, organized a Clean-up Drive at tabing lawa ng Brgy. Quisao last June 19, 2026.Layunin:Linisin ang tabing lawa at m...
20/07/2026

QCBAC, organized a Clean-up Drive at tabing lawa ng Brgy. Quisao last June 19, 2026.

Layunin:
Linisin ang tabing lawa at mga daluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbara at pagdaloy ng basura sa lawa tuwing umuulan.

QCBAC joined the celebration of 125th Founding Anniversary of Rizal Province and Simultaneous Clean-up Drive last June 1...
20/07/2026

QCBAC joined the celebration of 125th Founding Anniversary of Rizal Province and Simultaneous Clean-up Drive last June 11, 2026🍃🌿

Address

A. MABINI Street QUISAO
Pililla
1910

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when QCBAC-Quisao Citizen of Barangay Against Crime posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share