Batang Pililla Handa sa Eskwela

Batang Pililla Handa sa Eskwela Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Batang Pililla Handa sa Eskwela, Nonprofit Organization, Pililla.

Isang initiative para maipasa ang ordinansa na naglalayong makapagbigay ng libreng school supplies sa lahat ng mag-aaral ng Bayan ng Pililla bawat taon.

HAPPY MOTHER’S DAY sa lahat ng umaasa na maipapasa ang Ordinansa para sa  libreng school supplies bago magpasukan!Nagsal...
11/05/2025

HAPPY MOTHER’S DAY sa lahat ng umaasa na maipapasa ang Ordinansa para sa libreng school supplies bago magpasukan!

Nagsalita na silang lahat, TAYO NAMAN ang magkwentuhan.

Noong nakaraang taon, sinimulan ang isang KAMPANYA sa pamamagitan ng pagsusuri sa taun- taong problema ng notebook at iba pang gamit pang- eskwela. Kahit marami ang nagdo- donate, marami pa rin ang di nabibigyan, ayon ito sa mga Nanay hane. Kung ihahambing sa ibang bayan at syudad, nagagawa naman taun- taon. Teka laang, tiyak sasabihin mo , maunlad yung mga yun! First class municipality tayo, at ang sabi di ba’y, UMUNLAD ANG PILILLA. Hihirit pa?

Ano nga ba ang laman ng request?

Ang Request Letter sa Sangguniang Bayan ay naglalayong maipasa ang isang ordinansa para mabigyan ng school supplies ang LAHAT ng mag- aaral sa Pililla na nagmula sa Pampubliko at Pribadong paaralan. Ang kailangang budget para maisakatuparan ang proyektong ito ay 4.8 million pesos para sa humigit- kumulang 16,000 na estudyante sa Pililla; relatibong maliit para sa isang proyektong makikinabang ang lahat ng pamilyang nagpapaaral sa buong Pililla hane. Kung maipapasa ito, maglalaan ng 300.00 kada bata para sa 8 notebook, papel, isang box ng lapis o ballpen na ipapamigay sa mga eskwelahan kapag nag- enroll ang anak mo; bukod sa sigurado nang may notebook ang mga anak mo, ang matitipid mong 300 sa bawat bata ay magagamit mo sa iba pang pangangailangan- baon, uniform na halos 3 taon nyang magagamit, payong o kapote at iba pa. Mars, kung may 3 kang anak, halagang 900 agad ang natipid mo!

Paano ito nagsimula? Isinumite ang request sa Secretary ng Sangguniang Bayan noong October 7, 2024 upang maisama sa First Reading ng Sangguniang Bayan na kagyat namang naisagawa noong October 15, 2024 at ini- refer sa Komite ng Edukasyon ng SB sa pamamagitang ng Vice Chair sapagkat ang Chairman nito ay wala sa bansa . Sa ilang buwang paghihintay na muling magka- schedule ng pag- uusap, nag- follow up tayo noong November 2024 upang ipaalala ang ating request. Nagpatawag ng Committee Hearing ang Chaiman ng Education Committee noong January 22, 2025. Sa Committee hearing na ito, natalakay ang mga detalye para maisakatuparan ang Ordinansa. Ayon sa kanya, magkakaroon ng Second Committee Hearing pagkatapos nyang isangguni sa mga Department Heads ang paglalaan ng budget para rito. Iminungkahi rin namin na kung maliit lamang ang mailalaang pondo sa unang taon, pwede namang pagkasyahin muna ito para lamang masimulan at maihabol bago magpasukan nang 2025. Ilang buwan tayong naghintay kaya nagpadala muli kami ng Follow-up letter noong March 18, 2025 ngunit hanggang ngayon, nakabinbin pa rin ito at walang malinaw na resulta. Kaya kapag may magtatanong sa amin kung ano na ang nangyari, wala kaming maisagot kundi “Hindi namin ito titigilan hanggang makita nila na legit ang ating panawagan- isang panawagan na hindi nabigyang– halaga kahit marami ang umaasa.

Sa pamamagitan ng iba’t ibang organisasyon na tumangkilik sa ating adhikain, kasama ang Angat Pililla, nabuo ang kampanyang BATANG PILILLA, HANDA SA ESKWELA , upang sama- samang iparating ang ating saloobin. Marami ang nagpahayag ng pagsang- ayon sa initisyatibong ito sa pamamagitan ng paglagda. Ang mga ito ay nakalap mula sa mga Brgy. Captain at mga Kagawad, mga Officers and Members ng PTA, Home Owners Association iba’t ibang organisasyon, eskwelahan at mga concerned citizens. Nakakalungkot nga lang, hindi nabigyan ng dagliang atensyon at hindi na binigyang prayoridad ng SB ang bagay na ito, magpapasukan na po!

Tuwing eleksyon, nakasanayan na nating makinig sa paligsahan ng galing sa pagsasalita at paglalahad ng kanilang plataporma de gobyerno; mga pangakong aayusin at babaguhin ang kalagayan ng mga tao. Pero wala akong naririnig na bahagi ng programa nila ang PAKIKINIG sa HINAING at OPINYON ng mga mamamayan at PAKIKIPAGTULUNGAN upang malunasan ang mga ito. Hindi kami kalaban! Ngunit naniniwala kami na malilikha lamang ang angkop na solusyon kung ito ay manggagaling sa tunay na nakakaranas ng problema. May nakapagsabi man lang ba na bahagi ng kanilang gagawin ay pupuntahan ka sa bahay mo, magtatanong, makikinig , Uunawain ang mga saloobin at magiging bukas sa mga pananaw at mungkahi na manggagaling sa mga mamamayan na nagluklok sa kanila?

Ang Demokrasya ay pagpapailalim ng sarili sa kapakanan at pasya ng mamamayan. Kung ito ay nauunawaan natin, pumili tayo ng mga nakauunawa at magsasabuhay nito. Huwag tayong masapatan sa salita lamang. Mahalagang maging mapanuri tayo sa mga ihahalal na tagapangasiwa ng ating pamahalaan.

Hindi lamang tuwing dapat halalan nakikita ang kahalagahan mo bilang mamamayan at botante kundi sa pagkilala sa iyong kakayahang magpasya araw- araw. Maging matalino sa pagpili, ang tugon sa ating request ay magandang panukat sa kung gaano nila pinahahalagahan ang kapakanan mo.Pag ang Jowa mo na walang time para sa ‘yo, hinihiwalayan mo, tapos hahanap ka ng iba para Makita ang “The One” para sa ‘yo, paano sa pulitiko na walalng pakialam sa ‘yo?

Araw- araw kang mahalaga para sa kandidatong tunay na may malasakit sa mamamayan at responsible sa tungkulin sa bayan!

Address

Pililla
1910

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Batang Pililla Handa sa Eskwela posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Batang Pililla Handa sa Eskwela:

Share