16/01/2025
Ang limang mga tagubilin ng Propeta na kapaki-pakinabang :
Sinabi ng Sugo ng ALLAH sumakanya nawa ang pagpapala ng ALLAH at kapayapaan: (Sino sa inyo ang kukuha sa akin sa mga salitang ito upang maisabuhay niya ang mga ito odi kaya ay maituro niya sa magsasabuhay nito, Sinabi ni Abu Hurairah: Sinabi ko: Ako po, O Sugo ng ALLAH ! Kaya't hinawakan niya ang aking kamay at bumilang ng lima, at nagsabi:
1⃣-Pangilagan mo ang mga bagay na ipinagbabawal at ikaw ay magiging pinaka-debosyon na tao,
2⃣-Maging masaya ka sa kung ano ang ibinahagi sa iyo ng ALLAH at ikaw ang magiging pinakamayaman na tao,
3⃣-Maging mabuti ka sa iyong kapit bahay at ikaw ay magiging isang mananampalataya, 4⃣-Mahalin mo ang mga tao ng tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili ikaw ay magiging isang Muslim,
5⃣-At huwag masyadong damihan ang pagtawa, dahil ang labis na pagtawa ay nakakapatay ng puso. )
Iniulat ni Al-Tirmidhi, at pinatunayan ni Al-Albani.na ang hadith ay Hasan.
هذا والله أعلم وصلى الله على محمد وعلى آله وصحبه وسلم تسليما كثيرا.
📝 Sinulat at Sinalin sa Wikang Tagalog ni Shiekh Abdulmalic Diron.