28/01/2025
Inalarma ni Committee on Public Services Chairperson Raffy Tulfo ang PNP ukol sa talamak na insidente ng holdapan, snatching, car-napping at iba pang krimen na patuloy na namamayagpag sa Road 10 o Mel Lopez Boulevard sa Tondo, Maynila.
Sa pagdinig ng komite kahapon, January 28, sinabi ni Sen. Idol na marami pa rin siyang natatanggap na reklamo na one-to-sawa pa rin daw ang mga kawatan sa paggawa ng krimen sa nasabing lugar, partikular na sa bandang Port Area.
Ayon kay National Bicycle Organization (NBO) Director Benedict Camara na residente ng Tondo, napakadilim daw sa lugar dahil walang mga ilaw doon tuwing gabi at wala ring rumorondang mga pulis sa area.
Kaya agad inobliga ni Sen. Tulfo si PNP Deputy Director for Operations PBGen. Reynaldo Pawid na maglagay ng local police outpost sa Road 10 na tatalagahan ng hindi bababa sa limang pulis at isang police mobile na available 24/7 para matigil na ang laganap na krimen sa pinakanotoryus na kalsada sa Metro Manila para sa mga commuters.
Sinabi ni Idol kay Pawid na kailangan niyang gawin ang lahat ng makakaya niyang gawin upang masugpo ang krimen sa Road 10 at para mapatunayan na rin na hindi kasabwat o βbata-bataβ ng kapulisan ang mga kawatan sa lugar.
Binigyan lamang ni Sen. Tulfo ng limang araw si Pawid para aksyunan ang kanyang mga rekomendasyon, at sinabing sisingilin niya ito kapag wala pa ring improvement ang sitwasyon sa Road 10!