21/04/2026
April 20 -21, 2026
Matagumpay ang dalawang araw na naisagawa ang seminar na “Women Advancing Peaceful and Resilient Communities in the Bangsamoro” na inorganisa ng IMAN sa pakikipagtulungan ng UN Women at CRS.
Layunin nito na palakasin ang papel ng kababaihan sa pagsusulong ng kapayapaan, community resilience, at sustainable development sa Bangsamoro, pati na rin ang pagpapahusay ng kanilang kakayahan sa conflict resolution at resilience building.
Idinaos ang aktibidad sa Mahad Shemalie na dinaluhan ng mga kababaihang community leaders, cooperative members, at partner organizations, kabilang ang Ittihad Bangsamoro Marketing Cooperative (IBM Coop).
Nagpapasalamat din sa CSO’s TLPC Tugunan sa pangunguna ni President Rahma P. Gilman bilang mahalagang katuwang sa tagumpay ng programa.