20/06/2026
Mga Minamahal kong Ka-YACAP at Ka-Lunas,
Noong June 8, 2026, isang 7.8 magnitude na lindol ang yumanig sa ating minamahal na Sarangani.
Nakita natin sa mga balita at social media ang lawak ng pinsalaβmga bahay na gumuho, mga pamilyang nawalan ng tahanan, at mga komunidad na pilit bumabangon mula sa trahedya.
Sa ngayon, mahigit 14,000 bahay sa Glan at humigit-kumulang 2,000 bahay sa Malapatan ang nasira o nawasak.
Marami nang tumulong sa pagkain, tubig, at iba pang pangunahing pangangailangan. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, isang mas malaking pangangailangan ang lumilitaw:
Bahay. Bubong. Silungan.
Sa halagang β±2,500, makakabili na tayo ng humigit-kumulang 10 pirasong yero at mga pako para sa bubong.
Kapag dalawang tao ang nagbigay ng tig-β±2,500, makakalikom tayo ng sapat na materyales upang makatulong sa isang pamilyang may anim o higit pang miyembro na muling magkaroon ng ligtas na tahanan.
Para sa marami sa atin, maaaring hindi kalakihan ang β±2,500.
Ngunit para sa isang pamilyang nawalan ng tahanan, maaari itong maging bubong na sasalo sa ulan, silungan na magbibigay ng seguridad, at pag-asang magsisimulang muli.
Hindi po ito tungkol sa pulitika.
Hindi man tayo nanalo noong nakaraang halalan at hindi man ako tatakbo muli, hindi ko kayang talikuran ang aking mga kababayang nangangailangan.
Ang posisyon ay natatapos. Ang malasakit ay hindi.
Kayaβt muli, kumakatok po ako sa inyong mga puso.
Kung kaya ninyong tumulong, makiisa tayo sa pagbibigay ng pag-asa sa ating mga kababayan.
Narito po ang opisyal na account ng YACAP na nasa pangalan ng ating Region 12 Coordinator - Jerlyn Baldicantos Natibo-oc.
GCASH
09177129580
Jerlyn Baldicantos (JE***N B.)
METROBANK
3173317133716
Jerlyn Natibo-oc
Let us give back. Let us pay it forward. Let us change lives.
Bilang mga Pilipino, ipinagmamalaki natin ang bayanihan. Ngayon ang panahon upang ipakita ito.
Yacapin natin ang Sarangani.ππ
Daghang salamat sa tanan.
CAROL LOPEZ
Proud Sarangan
Proud Filipino π΅π