24/08/2026
Panalanging pang Martes para kay Santa Marta
O maluwalhating birheng Santa Marta
Lumalapit ako sa iyo at humihiling ng iyong tulong
Dahil sa iyong walang sawang paglilingkod
sa Panginoon Hesukristo
Kaya't biniyayaan ka ng malakas na pamamagitan
sa harap ng trono ng P**n.
Makamit ko nawa ang grasya na aking kailangan
sa buhay na iyo (banggitin ang kahilingan)
Kung ito ay hindi maging hadlang sa ikabubuti
ng kaluluwa ko.
O makapangyarihan at walang hanggang Panginoon
Na nagpagindapat sa aming ulirang Santa Marta
Na kahit na noong siya'y nabubuhay pa
Ay itinuring Mo na siya'ng pinakamamahal na kaibigan.
Kami ay sumasamo sa Iyo, matularan nawa namin
ang kanyang mga halimbawa
At pagindapatin Mo rin na kami ay maging katulad niya
Sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon
AMEN
Pintakasing Sta Marta, ipanalangin mo po kami.
brq