11/05/2026
β¨πΈ STO. ROSARIO KANLURAN SANTA CRUZAN 2026 πΈβ¨
Isang matagumpay, makulay, at puno ng pananampalatayang pagdiriwang ang ating naging Santa Cruzan 2026 na pinangunahan ng Pamayanan SRK - Youth. ππ
Mula sa paghahanda hanggang sa mismong araw ng selebrasyon, tunay naming nakita ang pagkakaisa, suporta, at pagmamahal ng bawat isa para maisakatuparan ang napakagandang event na ito. Hindi lamang ito naging simpleng pagdiriwang, kundi isang pagpapakita rin ng debosyon, kultura, at pananampalataya ng ating komunidad. β¨
Taos-puso naming pinasasalamatan ang lahat ng magagandang dilag na naging bahagi ng Santa Cruzan 2026. Maraming salamat sa inyong oras, effort, elegance, at dedikasyon sa pagrepresenta ng ibaβt ibang karakter ng Santa Cruzan. Kayo ang tunay na nagbigay-buhay at kulay sa pagdiriwang na ito. We are so proud of all of you! ππ
Lubos din po ang aming pasasalamat sa ating mga Brgy Officials mula sa Brgy. Silangan, Brgy. Buting, at Brgy. Kanluran na walang sawang sumuporta at tumulong upang maging maayos at matagumpay ang proyektong ito. Ang inyong suporta at malasakit ay malaking bahagi ng tagumpay ng event na ito. Maraming maraming salamat po! ππ
At syempre, isang overwhelming THANK YOU sa lahat ng aming sponsors na naging instrumento upang maisakatuparan ang Santa Cruzan 2026. Hindi po magiging posible ang lahat ng ito kung wala ang inyong kabutihang loob, suporta, at pagtitiwala sa aming grupo. Your generosity means so much to us and to the whole community. Nawaβy suklian pa kayo ng mas maraming biyaya at pagpapala ng Panginoon. β¨π
Sa lahat ng tumulong, nakiisa, nagbigay ng oras, effort, suporta, at panalangin β MARAMING MARAMING SALAMAT PO! π€
To God be all the glory! πβ¨