JAI SKOOL

JAI SKOOL We are a growing Community.

Magandang araw po sa lahat, kamakailan lamang ay nakilala ko si G. Ramon Roxas na isang kandidato pagka Konsehal sa Dist...
07/05/2022

Magandang araw po sa lahat, kamakailan lamang ay nakilala ko si G. Ramon Roxas na isang kandidato pagka Konsehal sa District 2. Nagsimula po kami magkakilala noong gabi ng Caucus na nagsadya sila sa aming Brgy Tabacalera para ipabatid sa mga taga lugar namin ang kanilang mga plataporma.
Noong madinig ko po ang plataporma ni G. Roxas, napagtanto ko po na pareho kami ng layunin at ninanais sa ating bayan.
Na obserbahan ko din po na madaming bagay at paniniwala na sang ayon ang aming kalooban bukod pa sa pareho kami ng mga paaralan na pinanggalingan mula High School at Kolehiyo, pinag aralang propesyon, at work experience.
Kagabi ay pina unlakan ako ni G. Roxas na makausap siya tungkol sa kanyang plataporma at saloobin sa mga iba't ibang isyu sa ating bayan.
Napakalaking bagay po ang on-line interview naganap para sa akin sapagkat matagal ko na ninanais na mag daos ng ganitong klaseng online activity na makakagawa ako ng makabuluhang serbisyo gamit ang aking kaalaman at karanasan sa Information Technology sa mahabang panahon.
Si G. Roxas po ang naging instrumento para makamit ko at masubukan ang aking bagong kakayahan sa content creation na para akong brodkaster.
Bagama't malapit na matapos ang panahon ng kampanya ngayon araw, nananalig po ako na isa sa mga mapipili nating Konsehal ng District 2 sa Pateros si G. Ramon Roxas dahil ang katulad niya ang kailangan ng ating bayan sa panahong ito - matalino, matulungin, maabilidad, may tapat na hangarin, maka Diyos, at mapag pakumbaba. Siya po ay numero 14 sa balota.
Isang napakalaking bagay at karangalan po para sa akin ang maging boluntaryong supporter ni G. Roxas na ang hihinging kapalit ay ang katapatan at patuloy na pagbibigay niya ng pag Asa sa ating lahat na susuporta sa ating kaunlaran.
Nawa po ay makatagpo pa ako ng mga totoong Lingkod Bayan na katulad niya.
Sana po ay piliin natin ang mga taong iluluklok natin sa pamahalaan dahil ito ay sagradong hakbang na hindi na natin mababago sa ating kinabukasan kung sakaling hindi maganda ang magiging epekto.
Narito po ang video interview kagabi.

Powered by Restream https://restre.am/ytI have started a broadcast session.

06/05/2022

This is my first up close interview that I am able to stream in my FB Profile and YouTube Channel simultaneously. My first guest is Mr. Ramon Roxas - Councilor Candidate in District 2 in Pateros.

Address

C. Sexon Street
Pateros
1620

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JAI SKOOL posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share