26/07/2026
🏍️ URCP PATEROS BREAKFAST RIDE 2026 🏍️
Sulit na sulit ang long ride natin mula Pateros hanggang Infanta, Quezon via Marilaque Highway! 🔥🏍️
Maraming salamat sa mga officers, legit members, at OBRs na nakasama sa ating ride. Tunay na sulit ang biyahe dahil hindi lang tayo nakapag-enjoy ng masarap na pagkain at magandang venue, kundi nasaksihan din natin ang magagandang tanawin habang nagkaroon ng masayang kwentuhan, bonding, at picture-taking. 📸🍽️🌄
Masaya rin kaming napag-usapan ang ilang future plans para sa URCP Pateros Chapter. 🤝💙
Matagal-tagal na rin mula noong huli nating long ride, kaya talagang na-miss natin ang ganitong bonding at samahan. Kaya naman sobrang saya na muli tayong nakapag-ride nang sama-sama. 🏍️🔥
Sa mga hindi nakasama this time, huwag mag-alala—for sure, may iba pang oras at pagkakataon sa mga susunod nating rides. Sana sa next ride, mas marami pa ang makasama! 🙌
Maraming salamat sa lahat ng nakisama at naging bahagi ng ating successful breakfast ride. Hanggang sa susunod na byahe, mga kapatid!
UNITY • RESPECT • BROTHERHOOD 💙🤝🏍️